^

Pang Movies

Mahal, naging makulay ang buhay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mahal, naging makulay ang buhay

Nagulat din kami sa pumutok na balita noong isang hapon na patay na ang komedyanang si Mahal.

Hindi pa nga natatagalan nang bumiyahe pa si Mahal kasama ang sinasabing boyfriend niya ngayon, ang dating indie star na si Mygz Molino papunta sa Bicol. Dinalaw niya at nagbigay ng tulong sa dating ka-team na si Mura, na bago iyon ay dumadaing na sa hirap ng buhay.

Hindi lang dalaw ang ginawa ni Mahal, nagdala pa siya ng ibang mga pagunahing pangangailangan ni Mura, at kaunti pang maipangnenegosyo noon para hindi na magtrabaho sa bukid na hindi na rin naman niya kaya dahil sa isang aksidente.

Napanood pa namin sa TV ang sinabi ni Mahal “mawala man ako sa mundo, may nagawa na ako kahit papaano para sa iyo.”

Pero noon ay mukhang wala naman siyang sakit. Malakas siya at masigla ang kilos base sa nakita namin sa TV.

Pero bigla na lang daw siyang nadala sa ospital. Gastro ang sinasabing sakit niya tapos infected na rin siya ng COVID. Eh alam naman ninyo sa Pilipinas ngayon, sipunin ka nga lang may COVID ka na eh. Iyon ngang na-stroke, lumabas may COVID eh.

Anyway ano man ang ikinamatay niya huwag na nating pakialaman. Maski nga iyong pamilya ni Mahal wala nang sinabi basta maiuwi na nga lang daw ang kanyang mga labi sa kanilang bahay, dahil inuwi nga raw siya ng kanyang rumored boyfriend sa Batangas.

Mukhang may nasisilip pa kaming isang kuwento.

Parang ‘di pabor ang kanyang pamilya sa love affair ni Mahal. Pero ano nga ba ang magagawa nila?

Naging makulay din ang buhay ni Mahal sa showbiz.

Pero ano man ang sabihin nila, mas naging makabuluhan ang buhay ni Mahal dahil nakapagbigay siya ng saya sa maraming mga tao bago siya nawala.

KathNiel, babawi

May gagawin daw na isang serye ang KathNiel. Under naman iyan sa RSB ni Ruel Bayani.

Dati ang mga proyekto nila ay sa Star Creatives, pero sino man ang gagawa ok na iyon. Ang mahalaga mapanood na muli ng fans ang KathNiel dahil isang taon na silang hindi nakikita.

May ginawa naman silang parang serye na inilabas sa paid internet channel, hindi parang hindi gaanong nag-click kasi nga internet eh. Dito naman sa atin, bukod sa napakabagal na ng internet, napakamahal pa.

Kailangan nila ng pambawi. Si Daniel Padilla gumawa ng isang pelikulang parang indie, nanalo raw sa festival sa abroad, pero hindi naman ipinalabas at mukhang hindi rin kikita rito sa atin. Hindi kasi ganung pelikula ang gusto ng fans para kay Daniel, at saan nila ipalalabas? Sa intermet din?

Sayang kung pababayaan sila. Isipin ninyo, dalawang ulit na nakagawa si Kathryn Bernardo ng mga pelikulang recorded as the biggest grosser of all time, tinalo na niyang lahat ang mga nauna sa kanya.

Pero kung wala silang project na gagawin, para saan pa nga ba ang pagiging box-office star nila?

MAHAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with