_pang-masa
^

Pang Movies

Dennis, bibiyahe sa Venice!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Handa nang magbiyahe abroad si Kapuso Drama King Dennis Trillo, ngayong tapos na tapos na ang taping nila ng gabi-gabing sinusubaybayan sa GMA Telebabad na Legal Wives. Kaya siniguro na niyang dadalo siya sa coming 78th Venice Film Festival na gaganapin sa Venice, Italy, simula sa September 1 hanggang September 11. In competition ang movie niyang On The Job: The Missing 8 ng Reality Entertainment, Inc.

Nasa panahon pa tayo ng pandemic at mas mahigpit ang pagbibiyahe, pero handa raw silang sumunod sa health protocols sa pag-alis at pagbalik nila ng bansa. “Inaayos na namin ang schedule sa pagpunta sa Venice,” sabi ni Dennis. “Sanay na rin kasi akong bumiyahe ngayong panahong ito, fully vaccinated na rin po ako at sumusunod ako sa mandatory quarantine.”

Ang On The Job: The Missing 8, ay sequel ng On The Job na ipinalabas na sa mga sinehan in 2013. Ang sequel naman ay tungkol sa corruption at media censorship, magkatulong itong sinulat nina Erik Matti at Michiko Yamamoto.

Masaya si Dennis na sa month of September, ipa­lalabas din sa HBO ang movie bilang six-part series at isa raw malaking karangalan iyon sa kanya.

Diego at Raven, suportado ang anak sa pagpapa-sexy

Suportado pala ang new Kapuso star na si Claire Castro ng parents niyang sina Diego Castro at Raven Villanueva, former Kapuso stars din, sa daring role na ginagampanan niya sa bagong GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha, TV adaptation ng movie with the same title nina Lorna Tolentino, Alice Dixson at Gabby Concepcion. Kasama naman niya rito sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Sa world premiere pa lamang last Monday, August 2, nagpaka-daring na agad ang 22-year-old na si Claire sa role na da­ting ginampanan ni Alice.

Sa interview kay Claire para sa serye, inamin niyang comfortable naman siya sa role na ibinigay sa kanya dahil gusto niyang ma-challenge sa very daring at sexy role na ibinigay sa kanya.

Thankful naman si Claire na nakilala niya at na-starstruck siya sa director-actress na si Ms. Gina Alajar.  “Happy rin po ako na madali kong nakakausap ang mga co-stars ko at nahihingan ko sila ng advice, si Glaiza, parang tunay kong ate, at madalas na magkaeksena kaya gina-guide po niya ako kung medyo mahirap ang kinukunan sa amin.”

Proud daw naman ang parents niya sa pagsisikap niyang masundan ang mga yapak nila. Matatandaang unang napanood sina Diego at Raven sa T.G.I.S noong ‘90s.

Matagal-tagal na raw hindi nakakausap ni Claire ang parents niya dahil pare-pareho silang busy at nag-lock-in taping pa nga siya.

Ang Nagbabagang Luha ay napapanood Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga sa GMA 7.

DENNIS TRILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with