_pang-masa
^

Pang Movies

Kris, naghihintay pa rin sa ‘signal’ ni Pnoy!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

After more than a month na pamamahinga sa social media, nagparamdam si Kris Aquino kahapon sa kanyang Instagram followers with her new post.

Ito ay dahil death anniversary rin kahapon ng kanyang inang si former President Cory Aquino and at the same time ay 40th day ng kamatayan naman ng kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino ngayong Aug. 2.

Prior to this, ang huling IG post pa ni Kris ay noong June 28, ilang araw matapos ang pagpanaw ni former Pres. Noynoy. Sa nasabing post ay sinabi niyang naghihintay siya ng go signal mula sa kapatid para ikuwento sa publiko ang naging journey ng kanilang relasyon bilang magkapatid dahil nga matagal silang nagkaroon ng misunderstanding.

Sa kanyang latest post, sinabi niyang naghihintay pa rin siya hanggang ngayon ng go signal mula sa yumaong kapatid. At ito aniya ang dahilan kung bakit wala tayong nakikitang bagong post niya.

“PNoy’s 40th. Mom i am sure won’t mind that we are posting this at 2 AM (the hour she died), on the day of her 12th death anniversary, because on August 2, it will be the 40th day since Noy’s death.

“Maraming nilalaman ang puso ko na gusto kong ibahagi sa inyong lahat… sure ako marami ang nagtatataka bakit wala kayong nakitang post, napanuod na interview, o nakitang moment na ako ang nagsalita on behalf of our family. But, now is still not the right time for me… naghihintay pa ko ng “go signal” from him- i know my brother will find a way to let “bunso” know when it’s time for all of you to hear the story from me of our journey- simply because all of you are a very special part of our journey, one i believe is a continuing one,” pahayag ni Kris.

Muli ay nagpasalamat siya sa sambayanan sa suporta sa kanilang pamilya.

“Sa inyo pong lahat, maraming salamat dahil pinaramdam nyo sa aming apat, kay Ate, Pinky, Viel, at sa ‘kin na hindi kami nag-iisa sa aming paniniwala that we were truly blessed to have Noy as our brother- na habang buhay naming IPAGMAMALAKI, PASASALAMATAN, HAHANAP HANAPIN, at MAMAHALIN.

“Though still so painful, we know how blessed we were to have been born as the children of Ninoy and Cory, and the sisters of Noynoy Aquino,” pagtatapos ni Kris.

Diego, wagas ang pagmamahal kay Barbie!

Punung-puno ng pagmamahal at sinseridad ang birthday message ni Diego Loyzaga para sa girlfriend na si Barbie Imperial kahapon. Kitang-kita kung gaano niya kamahal ang dalaga kaya naman you could only wish na sana ay sila na talaga ang magkatuluyan.

“To the love of my life, happiest 23rd birthday my baby, baby momma, baby ban*s, mahal ko, i wish you all the best and all the happiness in the world. As generic as that is, i mean every word of it.

“That you keep on succeeding in everything you do and know that ill be right here by your side supporting you. Every triumph and every set back ill be holding your hand cheering you on! Another year older and another year wiser.

“Big things are in store for you my not so baby girl. And im proud to be your guy, here with you through it all. Through thick and thin, till death do us part (luh?) im excited to spend your next birthday, next Christmas, next new year with you and watch how we grow as a couple and as individuals.

“Im lucky to have you as my partner no relationship is perfect nor easy. It takes effort, a little struggle and a whole lot of commitment… and for you its worth all of it. Ang haba na ng message nito, so again, happy birthday, mahal. I love you @msbarbieimperial,” ang mahabang birthday greetings ni Diego for Barbie.

Bongga!

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with