_pang-masa
^

Pang Movies

Kilalang aktres, namahiya ng prod staff sa harap ng maraming tao

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Natalakan ng isang kilalang aktres ang production staff dahil sa maling gamit na iniutos niyang kunin. Eh, nagkamali ng gamit na inabot ang staff sa aktres. Kaya tumalak ito kahit maraming tao.

Hindi alam ng aktres na hindi utility ang trabaho ng inutusan niya. Tumahimik na lang ang staff sa ginawa sa kanya ng aktres kahit sumama ang loob niya.

Pauleen, nagpakita sa 42nd Anniv ng EB

Sumulpot nang live si Pauleen Luna-Sotto kahapon sa APT Studios ng Eat Bulaga.

Selebrasyon kahapon ng 42nd year ng noontime show sa telebisyon kaya naman sa Bawal Judgmental segment eh, Team Zoom sina Alden Richards, Allan K, Jose Manalo, Pia Guanio at Jimmy Santos.

Kumpleto ang Tito, Vic and Joey sa kanilang greetings sa “42nd birthday” ng Eat Bulaga.

Sa totoo lang, ang dami nang bumanggang shows sa Bulaga mula pa noong nasa RPN-9 sila sa Celebrity Sports Plaza. Halos lahat ng mga ito ay nawala na.

Sa ngayon, namimigay na rin ito ng pera sa manonood sa kanilang games na pinahahalagahan ang pangangailangan ng mga tao ngayong pan­demya!

Happy, happy 42nd birthday, Eat Bulaga na naging bahagi rin ng aming buhay!

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with