^

Pang Movies

JakBie, patok sa fake news

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
JakBie, patok sa fake news

Tingnan nga naman ninyo ang tindi ng trabaho ng mga taong walang magawa tulad sa ginawang kuwento tungkol kay Barbie Forteza, at ginamit pa ang isang fake logo ng lehitimong media group. Kung babasahin mo lang at hindi mo tititigan, hindi mo mapupuna na mali pa ang spelling ng pangalan ng website.

Quoted si Barbie na nagsabi na split na sila ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Nagdaan daw kasi ang kanilang monthsary na hindi man lang siya binati ni Jak kaya nag-split sila.

Marami ang naniwala sa fake news na iyon. Isipin ninyo nakakuha iyon ng 125K reactions. May 25k na nag-comment. Ang dami na talagang “mema.” At ang matindi pa mahigit na 60K ang nag-share, na ibig sabihin mabilis naniwala sa tsismis at ikinalat pa.

Kung sabagay, nangyari lang naman iyan dahil sa popularidad ni Barbie at ng kanilang relasyon ni Jak. At iyon lang ang masasabi mong positive result, napatunayan ng fake news na sikat sila.

Wala namang sinabi ang tunay na Barbie kundi,“kung sino man ang gumawa nito, you’re welcome.”

Hindi na ito issue lamang nina Barbie at Jak. Ang isipin ninyo, gaano karami ang naloloko ng mga nagkakalat ng fake news sa social media? Gaano na katindi ang paggamit nila sa isang uri ng medium na walang regulation at kahit na sino nakakapag-post ng kahit na ano at nalulusutan nila iyon dahil ang gamit naman ay poser account.

At ‘yan ang masamang epekto ng social media.

Morissette, tumama sa lupang hinirang

Ang daming pumansin sa pagkakakanta ng singer na si Morissette Amon noong nakaraang SONA (State of the Nation Address) ng Pambansang Awit. Hindi namin napansin agad iyon, dahil natabunan ang SONA ng gold medal si Hidilyn Diaz. At si Hidilyn na lang ang napag-usapan.

After a few days at saka namin napuna na iyon daw pagkakakanta ni Morissette ng Lupang Hinirang ay “minadali.” Mayroon pang nagsasabi na ang pagkanta niya, “akala mo hinahabol ng aso.”

Hinanap namin ang video at masasabi naming tama iyon, dahil ang Lupang Hinirang ay isang marcha, hindi mabagal na kanta.

Ang mali ay ang mga napapanood na video na ipinalalabas pa noon sa mga sinehan na akala mo may ipinagheheleng bata. Iyan ay iyong “marcha Filipino-Magdalo” na ginawa ni Julian Felipe, at ang unang tumugtog ay isang brass band, ang Banda de San Francisco Malabon. Talagang ganyan ang tempo at beat ng komposisyon. Ang umakum­panya kay Morissette ay Philippine Philharmonic Orchestra, magkakamali pa ba sila sa Lupang Hinirang?

Dating matinee idol, laos na ang awra

“Mukha na siyang laos talaga,” sabi ng isang kritiko tungkol sa isang dating matinee idol na hindi na nga ganoon kasikat ngayon.

Nakita nga namin ang isang maikling video niya sa social media. Hindi na nga siya kasing guwapo noong araw na kasikatan niya. Mahaba na ang buhok at halata mong tumaba ang mukha.

Lately, napansin namin na hindi na rin siya makapag-display ng kanyang katawan na wala na siya sa porma.

Ang ibang mga artista nagagalit basta nasasabihan sila ng “mukhang laos.” Pero ikumpara kaya nila ang pictures nila noon at ngayon, makikita sila ang malaking pagkakaiba.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with