_pang-masa
^

Pang Movies

Kim, napapagkamalang nag-goodbye kay Xian!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim, napapagkamalang nag-goodbye kay Xian!
Kim

Recharged na recharged si Kim Chiu sa kanyang mga post habang nasa private resort / paradise kasama ang sister niyang si Kam Chiu.

Pero nag-worry rin ang iba niyang followers nang mag-post siya ng cryptic messages.

Baka raw may issue sa kanila ni Xian Lim. Lalo na nung i-post niya ang : “Nung mga panahong masaya pa kaming dalawa…. bago sha dinala ng hangin at nahulog sa tubig. GoodBye had a blast with you!!!”

Although goodbye lang naman daw ‘yun sa island.

Prior to this kasi, may post na siyang “Your mind is a powerful thing. When you fill it with positive thoughts, your life will start to change. so leave your worries behind and keep moving forward.”

Pero mahilig lang naman si Kim sa mga quote at baka naman nag-o-overthinking lang ang followers niya.

But anyway, sexy as ever si Kim sa mga post niya habang nasa Balesin suot ang ine-endorse niyang bikini.

Tambalang Priscilla at Leandro, mapapanood sa Lolong!

Ang tambalang nagpakilig noon, nagbabalik-telebisyon ngayon!

Kasama nga sa cast ng upcoming primetime series ng GMA na Lolong sina Priscilla Almeda at Leandro Baldemor. Sa location ng kanilang lock-in taping, makikita ang dalawa na magkasama. 

Sumikat ang dalawa sa sexy movies ng Seiko Films noon.

Ang Lolong ay pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Makakasama niya rin sa GMA Public Affairs series sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, at Jean Garcia.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with