_pang-masa
^

Pang Movies

Rabiya Mateo gustong maging make-up artist sa funeral parlor!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Rabiya Mateo gustong maging make-up artist sa funeral parlor!
Rabiya

Pangarap din pala ng beauty queen na si Rabiya Mateo na maging make-up artist.

‘Yun nga lang, hindi sa buhay kundi sa patay.

Ito ang isa sa inamin niya sa latest vlog niya na may pamagat na 24 Facts About Me.

“Isa sa business na gusto kong itayo in the future is punenarya. Hindi naman natin ‘yun hinihingi, ‘di ba? That’s the cycle of life.

“And aside from that, hindi ko rin kasi gusto ‘yung make-up ng patay sa probinsya. Parang feeling ko nilalagyan lang sila ng parang puting foundation tapos parang kinikilayan lang sila. 

“Gusto kong magkaroon ng punerarya and gusto ko maganda ‘yung makeup ng mga kliyente ko,” chika ni Miss Universe ­Philippines na hindi naging maganda ang naging kapalaran sa Miss Universe pageant na ginanap sa Hollywood.

Fact number 19 ang nasabing plano niya in the future.

Sinasabing papasok na sa showbiz si Rabiya pero wala pa siyang binibigay na details.

Isa pang kinuwento niya sa nasabing vlog na hindi siya kumakain ng maiitim na pagkain kasama na rito ang dinuguan at adobong pusit.

Bilang na ang araw ni Rabiya bilang MUP dahil isasalin na niya ang korona sa September.

Baron, hinihintay kung sasagot sa panghihingi ng tulong ni Ping

Si Baron Geisler ang naalala ng social media users nang kumalat kahapon ang “MY WEIRD BIRTHDAY POST” ng actor na si Ping Medina na nanghihingi ng financial help dahil sa kawalan ng trabaho.

Naging hot item noon ang reklamo niyang (Ping) inihian siya ni Baron sa shooting ng sini-shoot nilang pelikula na Bubog pero dumepensa si Baron na mas grabe ang ginawa ni Ping sa kanyang ex girlfriend at sa iba pang kakabaihan.

 Anyway, may nagpayo kay Ping na parentahan niya ang condo niya then umuwi siya sa bahay ng tatay niyang si Pen Medina or sa brother niyang si Alex Medina.

Or bakit daw ‘di na lang siya magbenta ng mga kagamitan niya sa bahay para magka-pera.

Mas marami raw nangangailangan ng tulong sa kasalukuyan.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with