_pang-masa
^

Pang Movies

Tom, namanhikan sa tatay ni Carla

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tom, namanhikan sa tatay ni Carla
Tom at Carla

Nagpaalam na pala sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa actor-father ni Carla na si Rey Abellana, para sa nalalapit nilang church wedding sa October.  Pinost ito ni Carla sa kanyang vlog, at matagal daw silang nag-usap ng ama.  Kamakailan ay nabanggit ni Rey na matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap ng anak, kaya tuwang-tuwa raw siya sa pagpapaalam ni Carla, at ibinigay naman niya ang blessings niya para sa wedding nila sa October 23.

Malamang na magkasabay matapos ang lock-in taping ng engaged couple.  Reportedly by the middle of August ay tapos na si Tom sa taping nila ng The World Between Us, with Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith.

Ganoon din si Carla na tuluy-tuloy rin ang lock-in taping ng romantic-drama series nilang To Have And To Hold kasama niya sina Max Collins at Rocco Nacino in Bataan. 

Kaya tamang-tama na mahaharap na nilang dalawa ang paghahanda sa wedding na magaganap sa Tagaytay.

Alfred , sandali lang mapapanood sa Legal...

Congratulations to Congressman Alfred Vargas for graduating from the University of the Philippines with a master’s degree in public administration.  Hindi nagpabaya si Cong. Alfred na hindi niya matapos ang master’s degree niya kahit tumagal ito ng apat na taon dahil ipinangako pala niya sa yumaong ina na magtatapos siya, kaya inihandog niya ito sa ina nang tanggapin niya during their virtual graduation last Saturday.

Dahil sa pagiging Congressman niya sa District 5 ng Quezon City, mas inuuna niya ang kanyang mga ­constituents kaysa harapin ang showbiz, pumipili na lamang siya ng tatanggaping project tulad ng Legal Wives na hindi niya kailangang mag-lock-in taping. 

Short lamang ang role niya kaya three taping days lamang ang ginawa niya pero sumunod pa rin siya sa health protocols na required sa mga nagti-taping. 

Heart-Richard K-Drama ang datingan

Nagpasilip na sina Heart Evangelista at Richard Yap ng ilang eksena nila sa  I Left My Heart in Sorsogon, matapos maunang nakita na ang ilang eksena ni Heart with Paolo Contis, ang isa pa niyang leading man.  Natuwa ang fans nina Heart at Richard nang makita ang mga photos nila at para raw silang mga Korean stars, since parehong may Chinese blood ang dalawa.

Heart will play the role of Celeste Estrellado, a young woman from Sorsogon, who reinvented herself in Manila as a fashion designer and socialite. She is dating Tonito ­Wenceslao III (Richard). 

CARLA ABELLANA TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with