_pang-masa
^

Pang Movies

Roxanne at Joross,di pa limot ng fans

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Roxanne at Joross,di pa limot ng fans
Roxanne

Maraming fans nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa ang natutuwa dahil nagkabalikan pala ang dalawa. Pero sa TV show lang po titled Hoy, Love You! namatagal-tagal na ring napapanood.

Promising star ng Kapamilya noon si Roxanne pero hindi na nakapagpatuloy dahil na-in love at nabihag ang puso niya ng isang poging businessman.

Kahit na-in love at nagka-anak, may kasabihanng once an actress, always an actress.

Kaya ayan umaarte na naman siya. Matagal na actually itong natapos pero since digital ang pinaglalabasan puwedeng ulit-ulitin kung kailan ninyo gusto.

Mr. M, ‘di rin nakapaghintay

Hindi naman masisisi si Mr. M, ang pamosong star builder ng Channel 2.

Naglipat-bakod din siya sa GMA katulad ng mga binuild up niya dahil hindi naman puwedeng maghintay lang nang maghintay kung kailan muling bubuksan ang ABS-CBN.

Saka sabi nga ni Mr. M, may tampo talaga siya sa dating Kapamilya.

Ibang artista, nagmamadali sa pagdeklara sa 2022

May mga nagtatanong bakit daw parang atat na atat ang ilang artista na ibanderang tatakbo sila ngayong darating na election gayung next pa year ito at hindi raw kaparis ng ibang pulitiko na hangga’t maaari ay inililihim pa kung tatakbo.

Naku, pera-pera po ngayon ang labanan baka pila-balde agad ang mga makaisip humingi ng tulong sa mga artistang lantarang nagsasabing kakandidato sa 2022.

Coco at Michael, may agimat ang peg

Nakakawala ng antok ‘yung eksenang nilusob nina Coco Martin at Michael de Mesa ang kuta ng kapulisan sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Umaatikabong sunud-sunod na putukan ang naganap kasabay ng pagbulagta ng mga pulis sa pamamaril ni Cardo Dalisay.

Mistulang may agimat si Coco at Michael na wala man lang katama-tama ng baril sa rami ng kabarilan.

May komento nga, para raw labanan sa cartoons ang story na napapanood nila.

Walang tama ang mga bida, well, ano pa nga ba ang bago sa mundo ng action film sa television.

Happy Birthday!

Birthday greetings  sa July-born celebrants: Dingdong Avanzado, Carlo  Yap, Mrs. Lita Valenzuela Gonzales of California, USA.   

Congrats and happy graduation kay Charize Victorio at Annabelle Yap Alvez.

ROXANNE GUINOO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with