Paolo, nami-miss agad ang pamilya

Naka-quarantine pa lamang si Paolo Contis, kasama ang cast ng upcoming GMA series na I Left My Heart In Sorsogon para sa kanilang lock-in taping, pero miss na miss na niya ang kanyang family, si LJ Reyes, their daughter Summer at stepson niyang si Aki. “Missing you guys already.  There are still a few weeks before we see each other again.”  Referring to his ‘love’ LJ:  “ I know that it’s harder now that I’m not around but I know the kids will be okey because you’re there! I want you to know how much I appreciate and love you. Can’t wait to go home again and be with you! Please know that I’m always missing and thinking of you!”

One month ang magiging lock-in taping ng serye na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Richard Yap, kasama si Paolo at sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Pero bago umalis si Paolo, natapos din niyang i-shoot ang new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko titled Last People on Earth, na second time niya makakatrabaho si Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Albert aligaga sa trabaho!

Sa kabila ng pagiging abala ng nagbabalik-Kapuso, ang mahusay na actor na si Albert Martinez, sa first GMA teleserye niyang Las Hermanas, nagawa pa rin niyang mag-guest sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales, sa pagsi-celebrate nila ng month-long 19th anniversary - A Second Chance.

Masaya si Albert dahil mga bago at mahuhusay ang mga nakasama niya sa cast, tulad nga ni Kelvin Miranda, Crystal Paras, Akihiro Blanco at si Luke Conde na kalilipat din sa GMA from ABS-CBN. Mapapanood ang A Second Chance this Saturday, July 17, 4 p.m. pagkatapos ng Tadhana ni Marian Rivera, sa GMA 7.

Glaiza, nanibago sa lock-in

Kaya pala nami-miss na sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz, mga mainstay ng All-Out Sundays noontime variety show ng GMA 7 every Sunday, dahil tinapos na nila ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha. Kaya nag-post na si Glaiza sa kanyang Instagram ng “Last day taping ganap. First show na natapos ko during pandemic.  Med­yo nakakapanibago, pero sobrang saya na I was able to work with such amazing people. From actors to production team and resort staff, ang gaan ng pakiramdam. Maraming- maraming salamat sa tawa at pagdamay sa mga iyak. Hanggang sa muli!”

Show comments