^

Pang Movies

Gladys, gustong apihin si John Lloyd

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gladys, gustong apihin si John Lloyd
Gladys

Excited si Gladys Reyes sa role niya sa pumalit na sitcom sa Pepito Manaloto. Natutuwa siya dahil isa na namang sitcom ang nasalihan niya. Akala niya kasi ang magiging next project niya ay isang tele­serye kung saan magiging kontrabida na naman siya. At least now, dahil nga sitcom medyo mas masaya ang dating at mas magaan.

For a while, ayaw tumanggap ng taping ni Gladys dahil nga sa takot sa COVID-19. Mga bata pa nga naman ang mga anak kaya dapat mag-ingat tuwing lalabas ng bahay.

Saka isa pa, ‘yung always nagpapa-swab ka every time na gagawa ka ng isang project. Kaloka nga naman dahil masakit din sa ilong ang proseso.  Ngayon, happy siya sa role at sa project niya.

Gusto nga ni Gladys na makasama sa sitcom ni John Lloyd Cruz ‘pag natuloy dahil gusto niya itong makatrabaho. Sana nga dahil magandang sahog din si Gladys kung sakali sa sitcom ni John Lloyd, bongga ‘di bah! Api-apihin niya si John Lloyd, hah hah hah.

Tingnan natin, baka maisipan ni direk Edgar Mortiz na isali si Gladys.

Christopher at Sandy, suki ng Evia

Naku, Salve, sina Christopher de Leon at Sandy Andolong pala ay suki ng sinehan ng Evia Lifestyle Center. Doon pala sila nanonood ng sine, at kadalasan sa All Day Supermarket sila naggo-grocery.

Ang All Day Supermarket ay nasa loob ng Evia.

Dahil nga taga-BF Homes sina Boyet at Sandy kaya very convenient sa kanila ang Evia Lifestyle Center, kaya sure akong nagkikita na sila ni Avic Amarillo sa paligid ng mall dahil madalas nga sila doon.

Gandang-ganda nga si Boyet sa Evia na para raw talagang nasa abroad ang feeling mo ‘pag nasa loob ka dahil sa structure nito na talagang ginaya yata ang malalaking mall sa USA.

Totoo ngang awesome ang magiging feeling mo ‘pag nasa loob ka. Sure akong ‘yung ibang stars na taga-South ay nagpupunta rin sa Evia dahil nga sa ambience nito.

Hayan, Avic, noh, bigyan mo ng discount ha, ‘pag namili sila, sabihin mo give agad discount.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with