_pang-masa
^

Pang Movies

Kylie, may inamin sa hiwalayan nila ni Aljur

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kylie, may inamin sa hiwalayan nila ni Aljur
Kylie

Matapos ang pagkumpirma ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak na si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica, kinabukasan ay ang aktres na mismo ang nagsalita tungkol sa issue.

Sa pamamagitan ng isang statement na ibinigay sa GMA 7, finally ay kinumpirma na rin ni Kylie na hiwalay na nga sila ni Aljur.

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family.

“In the past few months our family has gone through the process of recovering, healing, and mo­ving on,” ang bungad ng statement ni Kylie.

Hiling ng aktres na irespeto raw sana ang kanilang desisyon at binanggit na co-parenting ang setup nila ni Aljur sa kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.

“All we need right now is respect – first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family – to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

“Thank you for your love and support.”

Matatandaang kinumpirma ni Binoe ang hiwalayang Aljur at Kylie sa panayam niya sa YouTube vlog ni Ogie Diaz kung saan ay inamin din niya na may third party involved sa parte ng aktor.

Mariel umaangal, Robin hindi na nagtitira sa mga kinikita

Speaking of Robin, naikwento rin niya sa panayam kay Ogie na umaangal na raw ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez dahil sa kabibigay niya sa ibang tao.

Noon pa ay alam nating sobrang generous ni Binoe at ‘yung tipo ngang kahit wala nang matira sa kanya ay okay lang basta’t makatulong siya.

Pero paliwanag ni Binoe, ang ibinibigay lang daw naman niya ay ‘yung sobra na at ito rin ang lagi niyang sinasabi sa kanyang misis.

Hindi naman daw sila nag-aaway dahil dito pero parang ‘yung tipong nagugulat daw si Mariel dahil kung minsan, buong kinita niya halimbawa ay ibinibigay niya sa nangangailangan. Sasabihin daw sa kanya ng misis, ‘wala ka mang lang tinira.’

“Parang ‘yung huli, ‘yung commercial nga namin, wala man lang akong tinira para sa akin. Wala, eh. Ine-explain ko naman sa kanya lagi, sabi ko, ‘kung nakita ko naman na kailangan natin, ba’t ko naman papamigay? ‘Di naman natin kailangan, eh,’” kwento ni Robin.

Ayon pa sa aktor, kapag tumutulong daw siya, hindi naman daw ‘yung natulungan niya ang nabibigyan niya ng kasiyahan kundi sarili rin niya dahil napakasarap daw sa pakiramdam nu’ng alam mong nakakatulong ka.

Okay na raw ang kanyang pamilya at nabubuhay naman sila nang maayos. Kaya ‘yung mga extra money na dumarating, kung hindi naman daw nila kailangan ay ipinamimigay na lang daw niya. Dahil hindi raw kaya ng konsensiya na bumili halimbawa ng bagong kotse pero ang kapitbahay daw naman niya ay namamatay sa gutom.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with