ASAP Champions, ‘di pa nabubuwag!

ASAP Champions

Nagkaroon ng virtual reunion ang ASAP Champions na kinabibilangan nina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Erik Santos, Mark Bautista at Christian Bautista.

Sa Instagram, kinuwento ni Christian ang reunion ng original na ASAP Champions last June 22 kung saan nakasama rin ng limang singers si Matteo Guidicelli na mister ni Sarah at anak ni Rachelle na si Lukas Judah.

“Friends. Family,” naman ang naging maikling caption ni Mark Bautista sa kanyang Instagram story.

Ni-repost naman ito ni Rachelle na nagbiro pa na, sa wakas, ay nakita na rin ng kanyang baby boy ang kanyang mga “tito at tita.” “Lukas met his titos and titas,” caption Rachelle sa Instagram.

Huling online reunion nila ay noong November 2020. Huling pagsasama nila sa isang concert bago ang pandemya ay noong January 2020.

Nakauwi pa noon si Rachelle mula sa sa United Kingdom kung saan siya naka-base kasama ang mister na si Martin Spies.

Taong 2004 noong mabuo ang ASAP Champions at masaya silang buo pa rin sila at nagpe-perform after 17 years.

Dingdong, nagpasalamat kay PNoy

Maganda ang naging tribute ni Dingdong Dantes sa pumanaw na former President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa Instagram ay inalala ni Kapuso Primetime King ang mga nagawa ni PNoy para sa maraming kabataan ng bansa.

Heto ang ilang bahagi ng pinost ng aktor: “President Noy was a champion for youth development. Behind that seat of power was a simple man, who beams with humility, inspiration, and hope for the country. He was a formidable beacon of uprightness and incorruptibility during his administration. He will be in our prayers and we’ll always be deeply thankful for his service. We know that He’s seen his good work and that he is already with Him, resting in heaven’s glory. I cannot thank him enough for the trust and confidence that he bestowed on me. And, I am truly honored to have served the Filipino Youth under his leadership.”

Nakabilang si Dong sa ilang proyekto ni PNoy tulad ng #NowPH movement presentation sa 2015 Paris Climate Change Conference.

Nagkaroon din ng National Day for Youth in Climate Action sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 1160.
In-appoint din siya ni PNoy bilang commissioner at large for the National Youth Commission in 2014.

Jennifer Garner, ‘di pa handang ipakilala ang mga anak kay J.Lo

Hindi pa raw handa ang ex-wife ni Ben Affleck na si Jennifer Garner na ma-meet ng mga anak niyang sina Violet, Samuel at Seraphina si Jennifer Lopez.

Kumpirmadong nakipagbalikan si Ben kay J.Lo at kalat na ito sa maraming entertainment sites at social media accounts.

Latest at nakunan si Ben na kasama sa isang restaurant ang kambal na anak ni Lopez na sina Max and Emme.

Very protective si Garner sa mararamdaman ng mga anak nila ni Ben kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan ang ma-meet ng mga bata si Lopez. Ayon sa E! News: “They don’t see eye-to-eye about how their three children should be raised. Just because Emme and Max have met Ben and think he’s great, doesn’t mean Jen wants to follow in JLo’s footsteps with Violet, Seraphina and Samuel.”

Naghihintay daw ng tamang panahon si Garner kung kelan proper na ma-meet ng mga anak niya si Lopez.

Show comments