_pang-masa
^
Joshua, pinaka-apektado sa pagkamatay ni PNoy

Joshua, pinaka-apektado sa pagkamatay ni PNoy

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

Biglang naalala ko si Joshua nang mabalitaan ko na namatay si dating President Benigno ‘PNoy’ Aquino. Kasi nga alam ng lahat kung gaano ka-close si Joshua sa uncle Noynoy niya. Hindi nga ba pinili ni Joshua na sa Tarlac tumira kasama nito dahil nga ganun siya kalapit sa kanyang uncle.

Nabigla ang lahat, dahil hindi naman nabalita na nagkasakit o merong sakit ang dating pangulo.

Bata pa sa edad na 61, pero siguro nga wala sa taon ang pagtawag sa iyo ni God ‘pag gusto ka na niyang makasama.

Sure ako na brokenhearted at very sad si Joshua.

Our deepest sympathy sa pamilya Aquino na nagdadalamhati ngayon dahil sa pagkamatay ng nag-iisang lalaki nilang kapatid. Malaking kawalan para kina Balsy, Pinky, Viel at Kris ang pagpanaw ng parang rock nila dahil nga si PNoy lang ang male figure sa kanila after mamatay ng kanilang father na dating senador Ninoy.

At tulad ng mother nila na si Tita Cory na sa Times Street tumira after Malacañang, doon din nag-stay si Noynoy at pabalik-balik lang sa Tarlac.

Lately nga nasa kanya si Joshua dahil sa closeness nito sa uncle niya.

Ipagdasal natin ang peaceful journey ni dating President Aquino, dilaw, puti, blue, berde, walang kulay na dapat ikapit sa pakikiramay.

Boyfriend No. 13, litaw ang kilig

Ang ganda naman ng team ng Boyfriend No. 13. Maganda ‘yung combination nina JC de Vera, JC Santos at Sue Ramirez sa WeTV ni John ‘Sweet’ Lapus na director nila.

Ang gandang tingnan ng tatlo at kilig agad ang mararamdaman mo dahil maganda ang physical combination nila. Maganda ring mapanood ang first try ni John Lapus sa directing dahil mukhang ang laki ng tiwala sa kanya ng APT Production dito sa Boyfriend No. 13.

Bongga ang streaming nito na start na sa July every week kaya naman inaabangan na ng marami.

BENIGNO AQUINO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with