_pang-masa
^
Jasmine, ayaw diretsahing hiwalay na!
Jasmine

Jasmine, ayaw diretsahing hiwalay na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

Ang ganda ng mga sinabi nina Jaclyn Jose at Dina Bonnevie kay Jasmine Curtis-Smith sa mediacon ng The World Between Us. Si Dina ang gumaganap na mom ni Jasmine sa teleserye ng GMA 7 na world premiere na sa July 5, pagkatapos ng 24 Oras. Si Jaclyn naman ang gumaganap na mayordoma sa bahay ng karakter nina Dina at Jasmine.

Sabi ni Dina, “she is very passionate actress, professional” at sinundan ni Jaclyn ng kuwento na may Viber group siya sa industry at kapag napag-usapan si Jasmine, ang pagka-aktres nito ang nababanggit. “She’s an actress, a very good actress. Sa karakter niyang si Lia, nakuha niya ako nang buung-buo. This is my first time to work with her.”

Nagpasalamat si Jasmine kina Dina at Jaclyn at nabanggit na sa gaya niyang 10 years pa lang sa industry, dapat laging bukas ang isip na matuto. Tine-take advantage raw niya na matuto sa bawat advice na ibinibigay sa kanya.

Anyway, walang romantic relationship sina Jasmine at Alden Richards, pero sa mga eksena nila, kikiligin ang manonoood ng The World Between Us. Ano ang ginagawa nila para lumabas ang kilig nila, kinikilig ba sila sa isa’t isa? “Kailangan lang ‘pag gumawa ka ng project, let your guard down at alisin ang inhibitions kasi hindi magwu-work kapag may inhibition. Hindi rin ako apektado sa comments ng netizens, hindi dapat hayaang maapektuhan ang chemistry namin,” sagot ni Jasmine.

Samantala, hindi diretsahang sinagot ni Jasmine ang hindi rin malinaw na tanong ni Gorgy Rula sa estado ng relasyon nina Jasmine at BF nitong si Jeff Ortega. Hindi madiretsong itanong ni Gorgy kung break na ang dalawa.

“May nagsabi bang single ako? Hindi lang ako ma-share ng personal life ko sa social media at gusto ko lang pag-usapan ang mga project ko, hindi ang love life ko,” sagot ni Jasmine na nakangiti.

Sue, mas abala sa trabaho kesa pagkandidato ni Javi

Sina JC de Vera at JC Santos ang leading men ni Sue Ramirez sa rom-com series na Boyfriend no. 13  na ready na for streaming starting July 2, sa WeTV. Mula ito sa direction ni John “Sweet” Lapus at line-produced ng APT Entertainment.

Kuwento ni direk John, binabasa pa lang niya ang script, natatawa na siya at samahan pa ng kilig, tiyak na mai-in love sa tatlong characters ang makakapanood ng rom-com series. Tungkol ito sa dalagang nagmamadaling magka-boyfriend na para bang may taxi na nag-aabang sa labas ng gate. Payo ni John, panoorin hanggang matapos ang series para hindi kayo mabitin.

First time palang magkasama sina JC de Vera at JC Santos na ipinaglaban ni Direk John. Iniiwasan daw ng productions na pagsamahin ang dalawa para iwas-lito dahil pareho nga ng pangalan, pero in-insist ni direk John at hindi siya nagkamali dahil bagay sa dalawa ang kanilang respective roles.

Natanong pala si Sue kung nakikita na niya ang future niya bilang First Lady ng Victorias City ng Negros Occidental, kung saan, tatakbong mayor ang boyfriend niyang si Javi Benitez. “Wala pang filing ng candidacy, hindi ko pa alam ang isasagot ko. At this point, focus ako sa work ko, ang dami kasing dumarating,” sagot ni Sue.

JASMINE CURTIS-SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with