_pang-masa
^
Ogie, nagsalita sa karamdaman ni Regine

Ogie, nagsalita sa karamdaman ni Regine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

Nag-alala ang fans ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang mag-post last Tuesday na inaatake siya ng matinding migraine.

Good thing, sa Instagram Live ng asawa niyang si Ogie Alcasid ay nagbigay siya ng update sa kondisyon ni Songbird. “She’s getting better, but alam n’yo po ang migraine, especially her migraine attacks, minsan isang linggo ‘yan, 2 linggo,” ani Ogie.

Dumagsa rin ang “get well soon messages” sa IG ni Regine mula sa mga kapwa artista kabilang na sina Jolina Magdangal, Zsa Zsa Padilla, Mariel Rodriguez, Lorna Tolentino, Jaya, Karla Estrada, Melai Cantiveros, Gloria Diaz at marami pang iba.

Barbie, simpleng kasal lang ang wish

Simple lang ang gustong kasal ni Barbie Forteza if ever na lalagay na sila sa tahimik ng boyfriend na si Jak Roberto.

Sa latest vlog ni Jak na “Questions We Never Asked Each Other” ay tinanong ng magdyowa ang isa’t isa kung gusto ba nilang magpakasal someday.

Of course, parehong ‘yes’ ang sagot nila at sey nga ni Barbie, isang intimate wedding lang ang gusto niya. “I just want a simple wedding, intimate lang, ganyan, with close friends and family,” aniya.

Sabi naman ni Jak, kahit ano pa raw wedding ‘yan, enggrande man o simple ay okay sa kanya. “Feeling ko, ang marriage, isa siyang kasunduan na hindi n’yo magagawang sirain dahil una, walang divorce dito sa Pilipinas,” sey pa ni Jak.

Natawa naman si Barbie at sey niya, “bakit nasa divorce ka na? nandito pa lang tayo sa ‘do you want to get married someday?’”

Sagot naman ni Jak, ‘”yun nga, walang divorce dito sa Pilipinas. So, hindi ‘yan parang mainit na kanin na pwede mong iluwa kapagka napaso ka.”

Sa tanong naman ni Barbie kung ano ang most favorite part ni Jak sa kanilang relationship, maraming isinagot ang aktor, unang-una na ay tuwing sasapit daw ang Valentine’s Day.

“Kasi, ‘yung effort na ang hirap mag-isip kung paano mo isu-surprise si Madam, medyo mahirap, eh. And ‘pag na-surprise ko siya, talagang sobrang ang sarap sa pakiramdam.

“Hindi pa ako pumapalyang i-surprise siya. So, alam mo ‘yun, every year, natsa-challenge ako na i-surprise siya,” paliwanag ni Jak.

Favorite rin daw niya kapag nagta-travel sila together at ‘yung time na sinagot siya ng girlfriend.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with