_pang-masa
^
KathNiel, bakunado na rin
KathNiel

KathNiel, bakunado na rin

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Nabakunahan na rin kontra COVID-19 ang reel and real-life couple na sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Sabay nagpaturok ang dalawa kahapon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) office sa Makati.

Ipinost ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe ang larawan ng KathNiel na ipinapakita ang turok sa kanilang mga balikat.

“Kathryn Bernardo and Daniel Padilla got vaccinated today at the MMFF/MMDA Vaccination site in Makati. They fall under the A4 category. This is still part of MMDA/MMFF’s efforts to inoculate workers in the media industry.

“The two arrived around 9 in the morning went thru the process, had their vitals checked and listened to the orientation conducted by DOH doctors,” tweet report ni MJ.

Xian aminadong pikon, ibinuking na ‘di malambing si Kim

Ibinuking ni Xian Lim na hindi raw malambing ang girlfriend na si Kim Chiu sa latest vlog ng aktres.

Habang natatrapik ang KimXi patungong Batangas for a beach getaway recently ay naisip nilang mag-vlog para hindi mainip. Idea ni Kim ang ‘mas’ challenge kung saan ay sasagutin nila kung sino ang ‘mas’ sa kanilang dalawa.

Like sa tanong kung sino ang mas mahiyain, uma­min si Xian na siya raw ‘yun dahil sobrang introvert daw siya talaga. “Hindi ako masyadong extrovert katulad ni Kim. I think, sa spectrum ng introverts, nandu’n ako sa pinakadulo,” ani Xian.

Kailangan daw muna niyang kilalanin ang mga tao sa paligid niya bago siya maging komportable.

Sa tanong kung sino ang mas maalaga kapag may sakit ang partner, sey nila ay pareho naman daw sila. “Inaalagaan namin each other lalo na siya, kasi sakitin siya,” sey ni Kim.

Umamin agad si Xian sa tanong na kung sino ang mas madaling mapikon. “Ako. Pikon akong tao,” pag-amin ni Xian habang tawa naman nang tawa si Kim.

Sa tanong kung sino ang mas sweet, “ako” agad ang sagot ni Xian na inayunan din naman ni Kim.

“Yes, si Xian talaga sweet, ‘di ba, no? Daig mo pa ‘yung chocolate,” ani Kim.

Biglang sey ni Xian, “’di ka kasi sweet na tao, eh. ‘Di ka kaya malambing.”

Halatang naloka at nagulat si Kim sa hirit ng BF at kinontra niya ito. “Malambing ako!” sey niya.

Pero maya-maya ay binawi rin naman ito ni Xian. Mabait daw at sweet naman daw si Kim.

Kung sino ang mas seloso or selosa, nang una ay nagturuan sila. Pero itinanggi ito ni Xian at aniya, “hindi, ah. Wala akong pakialam.”

Sey ni Kim, “hindi ba sabi, kapag hindi ka nagseselos, ibig sabihin hindi mo mahal ang isang tao, wala kang pakialam.”

Sagot naman ni Xi, “mahal naman kita. Pero wala namang pagseselosan. There’s no reason to be jealous.”

Agree naman dito si Kim. “Yeah. Hindi rin naman siya nagbibigay ng reason para magselos ako,” sey ni Chinita Princess.

As expected, ang daming kinilig sa dalawa at komento ng fans, feel na feel nila ang sincerity ng pagmamahalan ng KimXi.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with