_pang-masa
^
Mga pasabog sa eleksyon, inaabangan na
Coco

Mga pasabog sa eleksyon, inaabangan na

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

Mukhang maraming pasabog sa October. Sa buwan kasi ng October ia-announce ang mga tatakbo sa eleksyon, doon na talaga malalaman ang mga bulungan o haka-haka na may balak si ganito at si ganun to run. Malalaman na talaga kung tatakbo ba si Coco Martin, kung na-convince si Mayor Isko Moreno, si Arjo Atayde, at ang finality kung talagang ayaw talaga ni Vilma Santos. Malalaman na rin ‘yung balak ni Lucy Torres, kung tutuloy ba si Willie Revillame. 

Marami pa riyan na mabibigla tayo at hindi natin inaasahan na meron palang balak tumakbo.

Bongga ang eleksyon dahil siguro walang happenings, ito ngayon ang magiging pinakamalaking news para sa lahat. Ngayon pa lang nga parang pumipili na ng mga kandidato nila ang mga botante. Ngayon pa lang may listahan na sila ng mga gusto nila at ayaw. Dahil nga walang magawa they have all the time. 

Kaya mas mahirap ngayon para sa mga kandidato ang mangeklay dahil para bang alam na ng botante kung tunay o hindi ang pangako sa kanila. Naging­ malaking test kasi ang pandemic. 

Mga basher, walang ambag sa buhay

Fascinated ako sa mga basher. May panahong very active sila na sabay-sabay silang magalit, at merong moment na tahimik lang. 

Hindi mo nga tuloy matukoy ano ba ang ikinagagalit nila, ano ba nagti-trigger ng anger nila at para silang isang team na sabay-sabay ‘pag kumuyog? Ang sarap ngang pag-aralan ng psychological component nila ‘pag nagko-comment sila ng ganun ka-harsh na para bang ang tindi ng galit nila na para bang personal kayong magkakilala. 

Nakakatawa kung minsan kasi alam mo na shoot the moon ‘yung ginagawa nilang galit. Basta may ma-comment lang na masakit, makasulat lang ng feeling nila masasaktan ka. Pathetic. Very pathetic dahil waste of time and energy. 

ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with