Marian, tumutok sa mental health ng mga anak

Dantes Family

Tatlong linggong nabakante sa social media si Marian Rivera. Upang makawala, nagbakas­yon silang pamilya.

Ang pangunahing rason ng pagtalikod sandali sa socmed ay para mag-focus sa mental health ng mga anak na sina Zia at Ziggy at makaagapay sa kasalukuyang issues sa kalusugan.

“Siyempre nag-school siya (Zia) before parang ang dami pa rin niyang questions. Kailan aalis ang COVID? Kailan daw siya makaka ganito, ganyan?

“At least kahit sa maiksing panahon, naigala at naipasyal namin sila!” pahayag ni Marian sa interview ni Lhar Santiago sa Unang Hirit.

Dahil nakapahinga na rin, super fresh si Yan at sabog ang social media nang muli siyang lumutang, huh!

John Lloyd, tinupad ang pangako SA GMA Boss

Nakipagkita na si John Lloyd Cruz kay Annette Gozon, ang GMA Pictures president at programming consultant to the GMA Chairman.

Naganap ang pagkikita nina JLC at Miss Annette last June 14 at naka-post ang litrato nilang magkasama sa Instagram ng GMA executive.

Tinupad ni Lloydie ang pangakong binitiwan nang mag-guest sa TV special ng isang shopping app.

“At last nagkita na kami. Exciting times ahead! Abangan!” simpleng caption ni Miss Annette sa IG.

Show comments