_pang-masa
^

Willie, noon pa tinutulak sa pulitika

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

Wow, Salve A., no less than President Digong (Duterte) himself is convincing Wowowin host, Willie Revillame to run for senator in the 2022 elections.

He is a sure win daw, President Digong and obviously his cohorts, too, added.

If ever, first time na sasabak sa pulitika si Willie.

Maaalalang muntik na siyang kumandidato for the same position in election 2010, when billionaire Manny Villar run for President.

Pero nagbago ang isip niya.

Well, 10 years is a long time. Malaki ang tsansang nagbabago ang isip ng isang tao.

Good luck, Willie.

Darren, nililigawan ang buong pamilya ni Cassy?!

Well, at least, ito ang feel ng singer na si Darren Espanto na nangyayari sa kanyang sarili. And, of course, sa kanyang career, too, as a singer. Nababago ang kapalaran, that is.

Thirteen years old siya, when from Canada, where he was born and grew up, tumungo siya ng Pilipinas para sumali sa isang TV singing competition year 2014.

This was The Voice Kids.

Unfortunately, hindi siya nanalong champ. Yet, nagsilbing landas, kumbaga, ang experience na natamo niya sa competition para gawing career ang pag-awit.

Now, seven years later, walang puwedeng magsabing nagkakamali si Darren sa desisyon niyang maging singer.

Kahit, for a time, tulad ng karaniwang nangyayari, may napansin siyang pagbabago sa kanyang boses.

Sa halip na mawalan ng pag-asa, he got himself professional help.

Now, tall and, well, good looking, as well as trim to the max, saksihan natin ang maraming pagbabago kay Darren bilang singer-performer especially, by watching his concert, titled Darren Home Run, na magaganap June 19 online.

Sa event na ito aawitin ni Darren ang kanyang new single, Tama Na, na tungkol sa diumano one-sided love.

Ngayon, ang tanong, is Darren courting Cassy Legaspi, one of the twins nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel?

Cassy’s twin brother is Mavy.

Both Darren and Cassy are 20 years old. At walang puwedeng magsabi na ‘di sila bagay.

Last Valentine’s day, balitang Darren sent Cassy and her family boxes of pizza na ang flavor ay paborito raw ng mag-anak.

Julie Anne at Benjamin, mag-e-explain na?!

Magtatapos na ang series na Heartful Café, starring Julie Anne San Jose, where she plays Heart, may-ari ng isang cafeteria.

David Licauco at Edgar Allan Guzman are his leading men.

In the series, it’s not Julie Anne’s pagi­ging mahusay na singer, which, kumbaga, she displayed to the max, kung hindi ang pagiging mahusay din niyang umarte.

Wonder, if true, na sa kanyang next series, she will have for her leading max her ex-boyfriend, Benjamin Alves.

Katatapos din lang ni Benjamin ng kanyang romantic series, Owe My Love, with Lovi Poe.

Well, Julie Anne and Benjamin owe us an explanation why they broke up.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with