_pang-masa
^

Pang Movies

John Lloyd, hindi rin nakatanggi sa datung

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
John Lloyd, hindi rin nakatanggi sa datung
John Lloyd

Ayon sa ilang intrigerang netizens, hindi na kuno big issue ang pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz.

Sa hirap ba naman ng buhay na dinaranas ngayon ng marami, hindi pa niya tatanggapin ang alok ni Willie Revillame.

Hindi na rin big issue kung bakit sa GMA lumipat si Lloydie, ang peg ngayon sa showbiz where the grass is greener doon pupunta ang jobless stars.

Pera-pera ang labanan ngayon sa showbiz. Hindi na uso ‘yung for sentimental reasons or pagtanaw ng utang na loob.

Hay showbiz, ang daming nagdurusa.

Cristina, walang kupas ang ganda

Maganda pa rin at walang kupas ang dating mayora ng Tacloban at ngayo’y nagbabalik na aktres na si Cristina Gonzalez. 

Sa isang eksenang madramang ipinakita ni Cristina, dugong artista pa rin ang nananalaytay sa kanya. Anak niya si Jane de Leon sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Congrats sa muli mong pagbabalik, ex-mayora Cristina.

Agimat… hinihiritan ng book two

Sana raw magkaroon ng book two ang fantasy serye ni Sen. Bong Revilla, ang Agimat ng Agila.

Walang dudang maraming mga tagahanga ang action star na pulitiko dahil matagal ding nawala sa sirkulasyon.

Sa Agimat ng Agila, ipinakita ni Bong na puwede pa rin siyang makipag-umbagan sa mga stuntman na hindi gagamitan ng ka-double. Sa totoo lang, takot ang ibang ka-fight scene ni Bong dahil para raw bakal ang kamao ng aktor.

Mga lumang teleserye, sunud-sunod ang pagre-replay

Pulos replay ng mga old TV show at teleserye ang ipinapalabas lately ng mga network. Magastos daw ang mag-taping o mag-shooting ngayon. May swab test pa kuno na kailangan para malaman kung may COVID ba o wala ang mga artistang ayaw lumabas ng bahay.

Natatakot sa pandemonic COVID na dala-dala yata ng diablong bumaba sa lupa.

Wala pang gamot na puwedeng inumin para malabanan ito. Pulos bakuna na hindi naman alam kung magkakasakit ka pa ba ‘pag nabakunahan.

Wow, parang negosyo ang COVID na ayaw nang mawala ng mga nananamantala sa ospital. Bawat namamatay, COVID agad ang tawag para ma-cremate tuloy dahil bayad.

Wow, Pilipinas, gumising ka na. lumaban ka at huwag maghintay ng tulong at awa. Help yourself. 

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with