_pang-masa
^

Pang Movies

Jane, kinakabog na si Julia

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Masuwerte si Jane de Leon na supposed to be ay gaganap na Darna pero hindi pa rin natutuloy. Imagine parang kinakabog pa niya ngayon si Julia Montes dahil sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Maugong ang tsika noon na si Julia ang susunod na makakapareha ni Coco Martin pero obvious na naudlot.

Kaya ang pumalit kay Yassi ay ang babaeng pulis na nakabaril sa kanya na ginagampanan nga ni Jane.

Wala talagang imposible kapag showbiz ang pinag-uusapan.

May posibilidad pang magkagustuhan sina Coco at Jane dahil palaging nagtititigan.

Iba rin talaga ang Probinsyano.

David, walang bonggang party

Dating Star Magic si David Licauco, ang bagong bini-build up na Kapuso na inili-link kay Julie Anne San Jose dahil kapareha niya ito sa seryeng Heartful Café.

Sa June 15 ang birthday ni David at tiyak na walang bonggang celebration dahil baka lumusob ang mga protocol expert para sitahin ang mga nagsasaya.

Dating action star, mas abala sa pagiging konsehal

Sa Baliuag, Bulacan, naging takbuhan ng mga mahihirap ang dating action star na Baliuag na konsehal na ngayon, si Tony Patawaran na may screen name na Abel Acosta noon. Nakasabayan niya sina Bong Revilla at Robin Padilla.

Marami na ring nagawang action movies si Konsehal Tony at ngayon ay abala nga sa kanyang tungkulin.

Marami na rin siyang nabigyan ng ayuda na hindi na kinailangan pang pumila. Naaawa raw siya sa mga nakapila lalo’t sobrang init ng sikat ng araw.

Nami-miss niya ang movies pero ngayon pa bang may pandemya.

Edgar, ‘di paawat sa pagsikat

Isa pang hindi maawat sa pagsikat ay si Edgar Allan Guzman na dating nanalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga at kinuhang bida ng producer-manager ng SexBomb dancers na si Ms. Joy Cancio sa Daisy Siete.

Teka natatandaan pa kaya ni Edgar Allan ang SexBomb girls ngayong pulos sikat na ang mga kasama sa trabaho?

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with