_pang-masa
^
Heart, walang tagabayad ng mga sina-shopping
Heart

Heart, walang tagabayad ng mga sina-shopping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 27, 2021 - 12:00am

Ayaw maniwala ng netizens na si Heart Evangelista ang nagbabayad ng kanyang mga pinamimili at mga luho niya sa pamamagitan ng kanyang credit cards. Ganoon din daw ang sabi ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, na si Heart ang nagbabayad ng mga utang niya. Bakit daw hindi ang husband niyang si Gov. Chiz ang nagbabayad, dahil kahit daw may kinikita rin si Heart, kung ano raw ang pera ni Gov., pera na rin iyon ng wife niya? Malay naman natin, baka usapan na iyon ng mag-asawang Escudero!

Mga mamahaling hotel, pang-lock-in na lang

Hindi biro ang ginagawa ng TV networks kung gusto nilang magbigay ng magagandang serye sa mga manonood.  Kaya naman bago sila magsimula ng lock-in tapings, inihahanda na muna nila ang lahat, una na ang locations, ang pipiliin nila ay magagamit nila sa lahat ng eksena, at kung pwede ay doon na rin mag-stay ang cast.  Bukod ang gagamitin ng production crew, na lesser na rin ang numbers depende sa budget. Bago rin magsimula ang lock-in tapings, may swab tests muna sila at may script reading via Zoom. 

Usually ang isang tele­serye ay inaabot ng four cycles ang taping. Like ang First Yaya, ginamit nila ang Thunderbird Resort sa San Fernando, La Union at sa Binangonan, Rizal. Dahil presidente ng Pilipinas ang role ni Gabby Concepcion, ginamit nila ang kilalang Manila Hotel para sa eksena, ibang hotels para sa cast.

Somewhere in Metro Manila ang hotels na gamit sa lock-in taping ng The World Between Us nina Alden Richards at Tom Rodriguez na mukhang yayamanin ang kanilang roles. At last May 21, nag-check in na rin para sa kanilang lock-in taping ang cast ng GMA, ang Voltes V: Legacy ni direk Mark Reyes, sa Seda Hotel Vertis North sa Quezon City. 

As of now, ang tapos nang lock-in taping ng GMA na malapit nang ipalabas ay ang Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres, na ipapalit sa Heartful Café sa primetime, at Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro at Rayver Cruz para sa GMA Afternoon Prime

CHIZ ESCUDERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with