Sandara, pride pa rin ng Pinoy fans

Sandara

Sad naman ako para kay Sandara Park. Ang tagal na niya sa management niya, ano kaya ang nangyari? Hindi ba kasama pa niya ‘yung team niya nang bigyan niya tayo ng Japanese dinner noong nasa Korea tayo nina Aileen Go ng Mega Soft, Rose, Budingding , Salve. At nakabantay pa ang representative ng kanyang management team doon sa dinner.

Mahirap din para kay Sandara Park na lumipat dahil for the longest time ay ang YG ang namamahala sa kanya. Makikisama na naman siya, bagong mga tao na naman ang ka-deal niya. Ano kaya naging problema?

Mukha pa namang napakabait na talent ni Sandara, mukhang masunurin at ipinagkakatiwala lahat sa management niya ang desisyon. Sana mas maganda ang kalabasan ng desisyon na ito ni Sandara. Sana mas maalagaan siya nang mabuti. Sana patuloy siyang nasa limelight dahil isa siya sa pride ng mga Pilipino dahil sa sobra niyang pagmamahal sa atin.

Imagine hanggang ngayon marunong pa rin siyang mag-Tagalog, dito pa rin siya madalas magbakasyon, hindi pa rin niya limot ang mga mahal niya lalo na si Budingding.

Marian at Kathryn, malabo na uling magsama

Ang ganda naman na ire-replay ‘yung pinagsamahang serye nina Marian Rivera at Kathryn Bernardo, ang Endless Love.

Cute ‘yung throwback photos nilang dalawa na batambata pa si Kathryn, at kahit si Marian iba pa rin ang aura.

Maganda din ang mga ganitong replay dahil nababalikan mo ang nagdaang career ng mga artistang gumanap. Magandang project ang Endless Love, maganda ang istorya, kaya sure na magugustuhan ng lahat ang replay nito.

Ngayon pa lang nga ang dami nang excited, ang dami nang nag-aabang. Imagine mo, Marian at Kathryn, bongga nga naman dahil sa ngayon hindi na puwedeng magsama ang dalawa.

Show comments