_pang-masa
^
Sharon, nakaramdam ng freedom sa Amerika
Sharon

Sharon, nakaramdam ng freedom sa Amerika

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

Nakapag-dinner na rin sa wakas si Megastar Sharon Cuneta as per her latest Instagram post, sa Los Angeles, California, after their safe and enjoyable flight via PAL, last Wednesday.  Ang caption niya, “I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breathe, collect myself, gain strength.  Love you all and will miss you guys. Please pray for me.”

From some friends in LA, “super happy here. Feeling freedom not fear. Finally had dinner in a restaurant with friends and other diners around! What a big boost to our slowly dwindling mental health! Thank you Lord!”

Walang sinabi si Sharon kung hanggang kailan siya mag-stay sa LA na inihatid nga niya ang anak na si Frankie para ipagputuloy ang studies nito roon.

Sanya, pinag-iinteresan para maging endorser

Patuloy ang pagtaas ng rating ng new action-drama fantasy series na Agimat ng Agila, sa mu­ling pagbabalik-acting ni Ramon “Bong” Revilla Jr. sa TV. 

Naipakita na ang pagkakaligtas ni Gabriel (Bong) sa enchanted eagle, na iniuwi niya sa bahay nila at nabigyan ng pangalan na Mulong. Si Mulong din ang nakapagligtas kay Gabriel sa nasusunog nilang bahay at sa tulong ni Nanay Berta (Elizabeth Oropesa) ay gumaling din si Gabriel.

Simula ngayong Saturday, ipapamalas na ni Gabriel ang mga katangian ng agila na napasakanya. At tuluy-tuloy na ang mga susunod na action scenes na siyang hinihintay ng netizens na mahilig sa action-drama series.

Ngayong Sabado na rin lalabas ang character ni Sanya Lopez as Maya Lagman kaya excited na rin ang fans niya na mapanood naman siya sa action-drama series. Una muna siyang mapapanood Mondays to Fridays sa romantic-comedy series na First Yaya na katambal naman si Gabby Concepcion.

Pero may isang magandang balita kay Sanya, marami na raw companies na interesadong kunin siyang isang endorser ng kani-kanilang mga produkto. 

Why not, isa kasi si Sanya sa mga artistang very professional magtrabaho.

Congratulations to Bong and Sanya, directed by Rico Gu­tierrez, napapanood ang Agimat ng Agila every Saturday, 7:15 p.m. sa GMA 7.

David, enjoy kay Julie

Mukhang tanggap ng fans ni Julie Anne San Jose ang new love team ng singer-actress, na si David Licauco sa Heartful Cafe. Inamin naman ni David na matagal na siyang interesadong makatrabaho si Julie, kaya naman nang magkaroon ng audition para sa role ni Ace Espinoza, at inimbita siyang mag-audition, sumali siya at napili ni direk Mark Sicat dela Cruz na makatambal ni Julie.

“Kaya sa tulong nina direk Mark at ng acting coaches namin nina Julie, we enjoyed every scene dahil parang hindi kami nagtatrabaho kasi game lahat ng mga kasama namin sa romantic-comedy series,” sabi ni David. 

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with