^

Pang Movies

Ellie,palipat-lipat sa 2 pamilya!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ellie,palipat-lipat sa 2 pamilya!
Jake at Ellie

Sanay na sanay na ang eldest daughter ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann sa actor na si Jake Ejercito na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) – nine – na pagsabayin ang buhay isla at buhay sa siyudad.

Kapag walang (online) school si Ellie sa Maynila, ito’y kasama ng kanyang inang si Andi and family (fiancé Philmar Alipayo and two kids) sa Siargao kung saan na ngayon namimirmihan ang aktres.

Noong nakaraang Marso ay lumipad patungong Siargao for the first time si Jake para sunduin ang anak nila ni Andi.  Jake had fun in Siargao dahil si Ellie ang nagsilbi niyang tour guide sa nasabing isla.

Ellie had a chance to spend Mother’s Day with her mom at sabik itong makita ang kanyang two younger (half) siblings na sina Lilo (more than one year old) at ang almost four months old na si Koa and her Tito Philmar.

Kapag naman nasa Maynila si Ellie ay nasa piling ito ng kanyang amang si Jake and his family – his mom, ang dating aktres na si Laarni Enriquez at family ng kanyang Tita Jerika Ejercito-Aguilar. Si Ellie ang nagsisilbing `big sister’ sa kanyang mga pinsan kay Jerika, ang elder sister ni Jake.

Si Andi ay panganay na anak ng award-winning veteran actress na si Jacklyn Jose sa yumaong actor na si Mark Gil.

Jane at RK, ‘di na nagtatago

Although wala pang pag-amin na nagmumula kina Jane Oineza at RK Bagatsing, hindi maikakaila na may personal nang ugnayan ang dalawa kung pagbabasehan ang iba’t ibang pagkakataong nakita silang magkasama sa iba’t ibang okasyon. Kasama na rito ang sighting sa beach sa Caliraya, Laguna last March. And most recently, nakita rin ang dalawang magkasama sa isang restaurant to celebrate RK’s 33rd birthday.

Nag-post ang dating child star at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Jane sa kanyang Instagram account ng “To this amazing person, my source of happiness…Happy Birthday (with heart emoji)” referring to RK na may kasamang picture nilang dalawa.

For real na kaya...

Probinsyano, tatapusin na ngayong Mayo?!

Walang bagay dito sa mundo na walang katapusan lalo na ang buhay ng tao o anumang bagay. Walang forever, ika nga.

Pagdating naman sa mga programa sa telebisyon, gaano man ito ka-successsful o kataas ang ratings, darating at darating din ang araw na ito’y magtatapos at papalitan ng ibang bagong programa.

Ang noontime show noon na Student Canteen nina Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Leila Benitez, Pepe Pimentel at iba pa ay tuma­gal din ng mahigit dalawang dekada sa tele­bisyon at nagpalit-palit ng ibang hosts until eventually ito’y tuluyang mamaalam sa ere.  Nagsulputan ang iba’t ibang noontime shows, pero ang pinakamatatag ay ang Eat Bulaga na sinusundan ng It’s Showtime.

Sa darating na July 30, 2021 ay 42 years na sa ere ang Eat Bulaga ng TAPE, Inc. na pinamumunuan ni G. Tony Tuviera. Ang It’s Showtime ng ABS-CBN ay magtu-12 years naman on October 24.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na hanggang sa katapusan na lamang ng buwang ito ang top-rating and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Ayon sa impormasyong nakuha namin ay wawakasan na umano ang character ni Cardo Dalisay played by Coco para sa isa na namang bagong character in a new action-drama series na tiyak na aabangan ng mga manonood lalo na ng fans ni Coco at ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan din ang actor ang co-director at creative head.

Totoo rin kaya na ang Batang Quiapo ni FPJ naman ang susunod na gagawin ni Coco?

Abangan!

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with