^

Pang Movies

Rabiya pinagtulungan ng 100 designers!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rabiya pinagtulungan ng 100 designers!
Rabiya

Maagang dumating sa Miami, Florida si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo kahit na sa May 6 pa ang schedule ng pag-check in nila sa hotel.

Ayon sa MUP creative director Jonas Gaffud, minabuti na nilang maaga silang nasa Miami para iwas sa sabay-sabay na pagdating ng iba pang candidates sa airport at pag-check in sa hotel.

Mahaba rin ang time ng team ni Rabiya para nakarampa at makapag-photo shoot sa iba’t ibang magagandang lugar sa Miami para mai-post sa social media.

Higit na 100 designers ang nagbayanihan para sa style book ni Rabiya. Hindi nga raw ito mauubusan ng outfits hanggang sa mismong pageant day.

Julie Anne, kinalimutan na ang katawan ni Benjamin

Inamin ni Julie Anne San Jose na naiilang siya tuwing makikitang naka-topless ang kanyang leading man na si David Licauco sa upcoming series na Heartful Café. “Nung mayroon na kaming scenes, nahihiya ako kasi ‘di ako sanay na nakakahawak o nakakakita ng katawan up close.

“So, I guess, I mean, madalas ko naman nakikita si David na nagwo-workout dahil magkatabi lang ‘yung villa namin. But yeah, nakakailang siya to be honest nang very light. But he’s very professional.”

May netizens na nagtaas ng kilay sa sinabi ni Julie na hindi pa siya nakakakita ng lalakeng topless. Hindi ba’t matagal niyang nakarelasyon si Benjamin Alves at may kuha pa sila noon sa may swimming pool kung saan topless si Benjamin?

Mukha ngang nabura na ni Julie sa kanyang alaala ang nga matitigas na pandesal ni Benjamin noong biglang naghiwalay sila.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with