_pang-masa
^

Luis, nag-first birthday kasama ang wifey!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 22, 2021 - 12:00am

Kahapon (April 21) ay kaarawan ni Luis Manzano at ito ang first birthday niya bilang asawa ni Jessy Mendiola. Sa greetings nga ng aktres ay “hubby” na ang tawag niya sa mister at “wifey” naman ang tawag ni Lucky sa kanya.

Nag-post si Jessy ng wedding photos nila ni Luis at bungad niya sa caption, “everyday, I pray for that smile.”

Pagbati ng aktres, “Happy birthday my love. Thank you for being such a blessing to all of us. You are one of the reasons why my life is so full of positi­vity and love. I’m just so happy and proud to call you my husband and I will never get tired of loving and supporting you. I thank God everyday for you. I love you, hubby.”

Sumagot naman si Luis ng “Thank you my wifey! Howhow you!”

Gabbi, nagtayo na rin ng community pantry

Nakakatuwa na nagtayo rin si Gabbi Garcia ng community pantry sa lugar nila sa BF Northwest, Parañaque City.

Makikita sa larawang ipinost ni Gabbi ang pantry na may nakalagay na mga gulay, de lata, bigas, mineral water, noodles, at iba pa.

Mababasa rin ang sikat na sikat nang sign ngayon na “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”

Sa caption ay nagpasalamat ang Kapuso actress sa lahat ng nag-donate.

“Posting this with nothing but pure and good intentions. this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way. 

“Thank you to our small community for making this possible! thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more! 

“To all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan,” ang caption ni Gabbi.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with