^

Sunshine, Janine at Paulo, may reunion sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

Lilipat na nga si Sunshine Dizon sa ABS-CBN at makakasama siya sa teleseryeng pagtatambalan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

In fact, kasama na siya sa ginanap na story conference ng teleserye.

Pero, ang nabalitaan namin, hindi na ni-renew ng GMA Network ang kontrata ni Sunshine na nakakapagtaka. Dahil loyal sa Kapuso Network ang aktres, dito siya nagsimula, nagdalaga, nagkaasawa, nahiwalay at naging single parent.

Wala ring maisagot ang tinanong namin kung bakit nagdesisyon ang management ng Kapuso Network na ‘wag nang i-renew ang kontrata ni Sunshine. Ang alam natin, nagre-rate ang teleserye na ginagawa niya.

What is interesting is, pare-parehong galing sa Kapuso Network sina Sunshine, Paulo at Janine at ngayon, magkakasama na sila sa Kapamilya Network sa teleseryeng hindi pa sinabi ang title.

Ang Magkaagaw ang last teleserye ni Sunshine sa GMA 7 kasama sina Klea Pineda, Jeric Gonzales at Sheryl Cruz.

James, matagal nang ‘di ­nakikita si Bimby

Maiksi ang birthday greetings ni James Yap sa anak na si Bimby na 14th birthday kahapon, April 19. “HAPPY 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you.”

Walang bagong photo ni Bimby si James dahil ang pinost na photo nila ng anak ay bata pa si Bimby. Ngayon, six footer na ang bagets ni Kris Aquino at matalino, articulate at deadma sa mga basher.

Lovi, sinama ang aso sa Amerika

Tapos na ang taping ng Owe My Love kaya nakalipad uli si Lovi Poe sa Los Angeles, California para bisitahin ang boyfriend na si Monty Blencowe. Pinost ni Lovi kung paano siya mag-empake ng mga damit, shoes, makeup at iba pang gamit na isinama sa kanyang luggage.

Comment ng netizens, parang nasa showroom ng isang department store lang si Lovi sa rami ng damit na naka-hanger na kanyang pinagpipilian. Pinansin din ang outfit ni Lovi habang nag-eempake.

Kasama ni Lovi na lumipad pa-LA ang pet dog niyang si Señorito at sosyal ang doggie dahil may Pet Passport na nagsilbi na ring Pet Identity nito. Marami tuloy pet owners ang nagtanong kay Lovi kung paano makakakuha ng Pet Passport para isama rin nila ang kanilang pet sa kanilang travel.

Gladys, may bagong guardian na

May bagong boyfriend na ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra na kanyang ipinakilala sa kanyang TikTok video. Mike Navarette ang pangalan nito na tinawag niyang “guardian.”

Maaalalang naging controversial ang past relationship ni Gladys dahil sa pera at umabot pa sa demandahan. Ang alam namin, itinakbo ng ex-BF niya ang pera para sa advance order sa food business ni Gladys. Pinroblema nito noon kung paano ibabalik sa customers ang kanilang pera.

SUNSHINE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with