_pang-masa
^

Rabiya, purong Pinoy ang datingan

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - April 20, 2021 - 12:00am

Dapat magkaisa ang mga kalahi natin sa Amerika at iba’t ibang bansa para manalo ang kandidata nating si Rabiya Mateo sa darating na Miss Universe pageant sa May 17.

Dalagang Pinay ang dating ni Rabiya -  natural na itim na buhok, may malasakit sa bayan at higit sa lahat may apelyidong Pinoy.

Karaniwan kasi sa mga kandidata natin na nananalo / nagiging runners-up sa Miss Universe ay may halong banyaga na hindi Pinoy ang dating.

Pagpasok ng pulitika ni Willie, hindi feel ng fans

Marami ang hindi nagustuhan ang nababalitang pagtakbo sa pulitika ni Willie Revillame.

Ayaw ng fans na tumakbo si Willie dahil wala na silang mahihingian ng tulong at jacket ‘pag nagkataon. Tiyak magbabago raw ang ugali nito gaya ng ibang pulitikong nahalal.

Nasanay na kasi tayo sa mga pulitiko na biglang ang hirap nang lapitan oras na nakaluklok na sa posisyon.

Sana raw maghunos-dili si Willie at hindi matuloy.

Maika, bagong putahe sa Probinsyano…

Mukhang susuwertehin ang tennis player from Angeles City na si Maika Rivera na binigyan ng break sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Isa rin siyang model at aktres na lumabas na rin sa ilang programa gaya ng Wildflower at Ipaglaban Mo.

No wonder inuumang ng karakter ni Lorna Tolentino kay Rowell Santiago para pagselosin si Ara Mina. Kinuha ni Lorna si Maika para makatulong sa opisina ni Rowell na iniilusyon niyang mahal na mahal siya pero nang dumating si Ara sa palasyo ay nanlamig na ang aktor sa kanya.

Wow, bagong putahe naman si Maika sa istorya na posibleng  abangan ng mga manonood sa naturang serye.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with