^

Pang Movies

Maraming kalaban ni Rabiya sa Miss U, mga Pinoy ang coach at designer

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Maraming kalaban ni Rabiya sa Miss U, mga Pinoy ang coach at designer
Rabiya

In-demand ang mga Filipino pageant coaches and designers dahil personal silang kinuha ng ilang kandidata sa Miss Universe 2020 Pageant na gaganapin sa Miami, Florida.

Bukod sa creative team ni Miss Philippines Rabiya Mateo led by Jonas Gaffud, ang ilang candidates ay malaki rin ang tiwala sa talento at husay ng Pinoy.

Si Miss Romania Bianca Tirsin ay trained by Makoy Manlapaz na siyang nag-train din kina Mutya Datul, the first Filipina Miss Supranational in 2013 at kay Miss Universe Nepal 2018 Manita Devkota.

Si Pinoy Designer Jian Lasala ay pinili ni Miss Belize Iris Salguero to create her evening gown for the Miss Universe pageant.

Miss Cameroon Angele Kossinda ay tine-train ni Carlo Sapurco habang si Miss El Salvador Vanesa Velasquez ay trained naman ni Rodgil Flores ng beauty camp na Kagandahang Flores.

Miss Cambodia Sarita Reth ay kinuha ang Baguio-based designer Rian Fernandez na gawin ang Miss Universe evening gown niya.

Katrina, wala nang kilig sa katawan

Manhid na nga ba ang puso ni Katrina Halili? Ito raw ang nararamdaman ng aktres dahil hindi na raw siya kinikilig sa mga lalake.

Kung noon daw ay mabilis kiligin si Katrina, lalo na kapag may crush siya. Ngayon daw ay parang wala na yung kilig sa katawan niya. “Ang hirap naman. Wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado na sila,” tawa pa ni Katrina.

Huli raw siyang kinilig ay noong may pursigidong manliligaw siya na nakilala niya sa Boracay. Pero ang tagal na raw yon at hindi na raw bumalik ang feeling na iyon sa katawan niya.

“Ngayon okay na ako kasama ang anak kong si Katie. Yakap at halik ng anak ko ang kailangan ko at hindi sa kung sinong lalake,” diin pa niya.

Jennifer binigyan ng tribute ni Alex sa hiwalayan

Opisyal nang naghiwalay sina Alex Rodriguez at Jennifer Lopez after four years. Last Wednesday ay kinumpirma na ito ni Alex sa pamamagitan nang pag-post ng photos nila ni Jennifer sa kanyang IG Story.

Tribute daw ito ni Alex sa four-year relationship nila ni Jennifer. Kasama rin sa photos ang kanilang mga anak na naging close na sa isa’t isa.

Kinumpirma naman ng rep ni Jennifer ang paghihiwalay nila sa Extra.

Ayon sa joint statement: “We have realized we are better as friends and look forward to remaining so. We will continue to work together and support each other on our shared businesses and projects. We wish the best for each other and one another’s children. Out of respect for them, the only other comment we have is to say is thank you to everyone who has sent kind words and support.”

Noong unang pumutok ang balitang hiwalay na sila last March, mabilis na pinabulaanan ito ni Alex at sinabing inaayos nila ni Lopez ang kanilang relasyon. Pumunta pa si Alex sa Dominican Republic kung saan nagsu-shoot ng movie si Jennifer para patuloy ang pag-uusap nila. Pero nauwi rin sa totohanang breakup after a few weeks.

 

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with