^

Pang Movies

Pagrampa ni Rabiya, mapapanood ng mga Pinoy!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pagrampa ni Rabiya, mapapanood ng mga Pinoy!
Rabiya

Mapapanood ng Pinoy fans ang pagrampa ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa  69th Miss Universe Competition sa ika-17 ng Mayo, Lunes, simula 8 a.m sa A2Z at may replay ng 10 p.m.

Gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA ang pageant naipalalabas rin sa Sunday’s Best sa Kapamilya Channel sa May 23 (Linggo), 9:45 p.m. na may livestreaming sa iWantTFC para sa mga manonood sa Pilipinas.

Mapapanood din ito sa Metro Channel sa cable TV sa May 24 ng 12 nn at 10 p.m., May 26 ng 5 p.m., at May 29 ng 8:30 a.m.

Tubong Iloilo City si Rabiya, na patuloy na gumagawa ng ingay sa kanyang magagandang photo shoot at kasalukuyan nang nasa Amerika para sa pre-pageant activities.

Layunin ni Rabiya na magbigay saya at karangalan sa bansa sa kanyang paglaban upang maging ika-limang Miss Universe mula sa Pilipinas pagkatapos nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

Samantala, may kumalat kahapon na positive sa coronavirus ang representative ng India and Argentina – Miss Universe India 2020 Adline Castelino and Miss Universe Argentina 2020 Alina Luz Akselrad.

Pero wala pang official statement ang Miss Universe organizer tungkol dito.

Samantala, marami ring nawindang sa sobrang mahal ng panonood ng live ng pageant. Ayon sa post ng isang account na ‘affiliated’ sa pageant, almost $2,500 ang cost na ikinabaliw ng mga nakabasa.

Mag-a-abroad na lang daw sila kesa manood nito ng live.

Sa Philippine peso, 121,065.30 ang $2499.

The late MMDA chair Danny naalala sa pinaplanong MMFF 2021

Tuloy ang 2021 Metro Manila Film Festival sa December ayon sa post ng spokesperson ng Executive Committee ng MMFF na si Noel Ferrer.

In fact, plantsado na ang petsa ng submission ng possible entries hanggang sa awards night nito sa December 27.

Si the late MMDA Chair Danilo Lim ang naalala ko sa MMFF.

Last January pumanaw si Chair Lim

Vincenzo ni Joong-ki, nag-break

Break muna ang mga nababaliw sa K drama na Vincenzo na pinagbibidahan ni Song Joong-ki.

Ayon sa report ng isang Korean website, meron itong break para mas i-improve pa ang quality ng drama series ayon sa producer nito.

Cliffhanger ang ending ng episode 16 nito kaya talagang maraming nag-aabang sa episode 17.

Kuwento ito ng Korean consigliere na inampon ng Italian mafia pero grabe ang mga twist kaya talagang laging nakaabang ang fans ni Song Joong-ki.
Actually, parang same ang effect nito sa fans sa super hit na Descendants of the Sun nila ng ex wife niyang si Song Hye-kyo.

Speaking of K-drama,  napanood din ng Pinoy fans ang South Korean actors na sina Gong Yoo at Park Bo Gum sa kinasabikang kwento ng Korean sci-fi film nilang Seobok sa iWantTFC at KTX.ph kahapon kasabay ng paglabas nito sa Korea.

Maaaksyong eksena ang pelikula ng isang dating special agent na si Ki Heon (Yoo), na binigyan ng isang sikretong misyon na ilipat sa isang ligtas at tagong lugar ang kauna-unahang human clone na si Seobok (Bo Gum).

Habang nasa misyon, iba’t ibang grupo ang makakabanggaan nila na susubukang dakipin si Seobok, ang tanging nakakaalam ng sikreto sa pagiging imortal. Dahil sa kanilang mga engkwentro, mamumulat si Seobok sa outside world at maiintriga kung paano mabuhay nang normal.

Available ang palabas sa loob ng 48 hours.

Grabe talagang ang daming abangers sa mga K drama and films.

Habang ang local movie industry, malabo pa ang kapalaran sa mga sinehan.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with