^
Rachelle Ann, nagsilang ng baby boy
Rachelle Ann

Rachelle Ann, nagsilang ng baby boy

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 1, 2021 - 12:00am

Isinilang na ng singer na si Rachelle Ann Go ang anak na lalaki ng asawang si Martin Spies nitong nakaraang mga araw.

Lukas Judah Spies ang pangalan ng bata. Ibinahagi nina Rachel at Martin ang bagong silang na anak sa Instagram account ng singer.

Kasalukuyang nakatira si Rachel at pamilya sa United Kingdom. Last April 2018 sila nagpakasal ni Martin.

GMA, may pa-libreng bakuna sa mga empleyado at talent

Gagastusan ng GMA Network, Inc. ang libreng bakuna para sa COVID-19 para sa mga empleyado at talent ng network. “In the spirit of Serbisyong Totoo especially when it comes to the health and safety of its workforce, the Kapuso Network announced on Tuesday, March 30, 2021, that it is purchasing doses of Moderna COVID-19 vaccines,” saad sa Instagram ng KapusoGirl.

The Eddys, tuluy na tuloy sa easter sunday

Wala nang urungan ang fourth edition ng The Eddys ngayong April 4 kahit na nga i-extend pa ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at kalapit-probinsiya.

Puwedeng ma-stream nang libre ang pagtatanghal ng The Eddys sa SPEEd (Society of Entertainment Editors of the Philippines) Facebook page at FDCP channel at iba pang platforms sa Easter Sunday, Linggo, April 4, 8 p.m.

Mula sa SPEEd ang The Eddys.

RACHELLE ANN GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with