^

Pang Movies

Dawn, ayaw pakulay ng buhok hangga’t may pandemya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dawn, ayaw pakulay ng buhok hangga�t may pandemya
Dawn

Hindi talaga nagpa-dye ng hair si Dawn Zulueta gaya ng kanyang sinabi noong nagsisimula pa lang maglabasan ang white hair niya. Kahit naman pumuti na ang buhok ni Dawn, hindi pa rin nagbabago ang kanyang hitsura dahil magandang-maganda pa rin ang aktres.

Sabi noon ni Dawn, “almost 3 inches of my silver hair is visible now. I’m challenging myself not to do hair color while under #quarantine. Let’s see how long I can bear it.”

At pinangatawanan na nga ni Dawn ang hindi pagpapa-dye.

Ang gustong malaman ng fans ni Dawn ay kung hindi pa rin siya magpapatina ng buhok halimbawang may dumating na offer sa kanya na kailangang black ang hair niya.

But as of now, komportable si Dawn with her silver hair na bumagay sa kanya.

Sen. Bong at Mayor Lani, aminadong tumibay sa mga dagok sa buhay

Sinelebrayt nina Sen. Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ang kanilang 23rd Church wedding noong March 25 (ikinasal sila noong March 25, 1998) at masayang binanggit ni Lani na “Our love is as strong as ever!!! Love you @bongrevillajrph.”

Mas heartwarming ang anniversary message ni Sen. Bong kay Lani dahil sabi nito, “Mama, no words could ever describe how blessed I am to have you as my wife and best friend. You have always stood by my side no matter what storm we faced.

“Sa mga pinagdaanan nating dagok sa buhay, salamat at higit tayong tumitibay para sa isa’t isa. Sigurado akong ikaw at ikaw lang ang gugustuhin kong makasama’t masilayan sa umaga hanggang sa aking pagtanda.

“Happy wedding anniversary, Mama! I love you so much!”

Samantala, panay-panay na ang airing ng teaser ng Agimat ng Agila dahil sa May na ang pilot ng comeback TV show ni Sen. Bong. Ang ganda ng teaser ng show, ang galing ng visuals na for sure, ang nasa likod ay si director Rico Gutierrez.

Tom, na-expose sa COVID positive!

Naka-self imposed isolation si Tom Rodriguez for two weeks dahil na-expose sa isang COVID positive. Hindi tuloy nakasipot ang aktor sa lock-in shooting ng isang pelikulang sa Quezon province ang location.

Nag-decide raw ang manager niyang si Popoy Caritativo at ang production team ng pelikula na hindi siya tumuloy sa shooting.

Nanghinayang si Tom dahil looking forward pa naman siya sa pelikula, pero kailangan niyang gawin ang dapat gawin.

Dapat din nag-taping si Tom ng All-Out Sundays last Sunday, pero dahil kanselado lahat ang taping schedule for AOS, walang dapat ika-guilty si Tom.

‘Yun nga lang, two weeks siyang mag-isa sa kuwarto kung saan siya naka-self quarantine.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with