^

Pang Movies

Mga sinehan, mas nawalan ng pag-asa sa panibagong ECQ!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Mas lalo nang nawalan ng pag-asa ang mga sinehang magbukas ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ) na uli.

Mahigit isang taon nang sarado ang mga sinehan dahil nga sa pandemya kaya lahat ng mga pelikula ay diretso sa digital platforms.

Lalong mas malabo na rin ang face to face concert sa kasalukuyan.

Kelan kaya ito matatapos?

Anyway, ang nakinabang sa pangyayaring ito ay ang K dramas na mas kinabaliwan talaga ng maraming fans na hindi masyadong nakakalabas ng bahay at walang mapuntahan.

At isang dagdag dito ay ang malapit nang mapanood na isa sa pinakamainit at pinag-uusapang K-Drama ngayon, ang  The Penthouse! sa GMA 7. Tampok sa multi-awarded program na ito ang mahuhusay na Korean actors na sina Lee Ji-ah, Kim So Yeon, Eugene, Um Ki-joon, Yoon Jong-hoon, and Park Eun-seok.

Umiikot ang serye sa kuwento ng iba’t ibang mayayamang pamilya. Sa kabila ng kanilang ganda at tagumpay, mangingibabaw pa rin ang matinding ambisyon at pagnanasa.

Anyway, maging sa mga endorsement ay ratsada ang mga Korean star. As in taob na ang mga local star natin.

Ang advantage lang ng Korean stars kasi, hindi sila masyadong expose sa social media, unlike local stars na lantad na pati kaluluwa sa kanilang mga social media paltforms kaya siguro nabawasan ang excitement ng fans sa kanila.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with