Lani at mister, tuloy ang pakikipaglaban sa sakit

Nagbigay ng update si Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa programang Tunay Na Buhay sa kalagayan niya at ng kanyang mister.

Ayon sa singer, patuloy daw na nakikipaglaban silang mag-asawa sa sakit na dumapo sa kanila. Ito ay ang Streptococcus suis na nagdulot ng vestibular dysfunction sa kanila. “Maraming options na nilatag sa amin. So, antibiotic ‘yon na naka-ano sa swero and then nagkaroon na kami ng treatment ng steroids para sa inflammation ng mga nerves. We will look into hearing aid,” sey ni Lani.

Dahil daw sa nangya­ring ito sa kanila, mas pinatatag daw nito ang samahan nila bilang mag-asawa. “Nung nagkasakit kami nang sabay, wala ‘yung anak namin. Mga apo namin nasa Las Vegas. Naging mas matatag, especially ngayon, meron ka­ming disability, no?

“Sa lahat ng aspeto, in all aspects of life, na ka­ming dalawa lagi. Hindi ko ma-imagine kung wala ang isa, e. So, dapat talagang pair, isa kami sa lahat ng bagay.”

Prince Harry, may bagong trabaho

Hindi raw masyadong aasa si Prince Harry sa minana niyang pera para mabuhay ang kanyang pamilya dahil nakahanap na ito ng bagong trabaho sa California.

Harry is now the chief impact officer at Silicon Valley startup BetterUp.

Ang trabaho dito ng Duke of Sussex ay ang magbigay ng “input on initiatives like product strategy decisions and charitable contributions, and will advocate publicly on topics related to mental health.

“I intend to help create impact in people’s lives. Proactive coaching provides endless possibilities for personal development, increased awareness, and an all-round better life.

“What caught my attention about BetterUp was that the company’s mission to unlock the potential in people everywhere necessitates innovation, impact, and integrity. Their team has been delivering on that work for years.

“I’ve personally found working with a BetterUp coach to be invaluable. I was matched with a truly awesome coach who has given me sound advice and a fresh perspective.”

Confidential naman daw ang salary ni Harry ayon sa BetterUp.

Bukod sa kanyang trabaho, malaki rin ang kikitain nina Harry at Meghan Markle sa pinirmahan nilang $100-million deal with Netflix at sa podcast na gagawin nila with Spotify.

Show comments