Coco at Julia, hindi naitago ang biyahe sa Boracay

Spotted ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin sa Boracay nitong nakaraang Sunday.

Na-post sa Instagram ng fan page account ng aktres ang mga larawan nila habang nasa airport ng nasabing sikat na tourist destination.

Sa mga larawan ay makikitang parehong naka-face mask sina Julia at Coco pero ang fans nila mismo ang kumumpirna na sila nga iyon. “Coco and Julia spotted in Boracay! This made my heart jump in joy and happiness. Enjoy your vacation our dearest Cocojul,” ang caption ng julian-glow IG account na fanpage ni Julia.

Sunud-sunod din ang post ng CocoJulia World account sa Facebook ng mga larawan ng dalawa.

Ipinost din ng fan page ang komento ng ilang fans na nakakita mismo sa rumored couple sa Boracay. May isang witness na nagsabing si Coco raw ang mas touchy kesa kay Julia.

May tsika ring ito raw bale ang celebration ng dalawa sa nakaraaang birthday ni Julia noong March 19.

Sabihin pa, sobrang happy ng mga solid and loyal CocoJuls fans sa bagong update na ito.

For sure, ito ang matagal na nilang inaabangan – ang paglantad ng dalawa na magkasama.

Raymart, nag-peace be with you kay Claudine

“Peace be with you,” ito ang tila sagot ni Raymart Santiago sa bagong rant against him ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

Last Sunday kasi ay nag-post si Claudine sa kanyang IG page ng quotation na “real dads support their children without the law telling them they have to.”

Sa caption ay diretsong sinabi ni Claudine na para kay Raymart ang mensaheng ito.

“This is for you raymartsantiago fight fair for once in your life!!!” captiom ni Claudine.

Matapos ang ilang oras ay si Raymart naman ang nag-post ng isang short video niya habang tila nagme-meditate sa ilalim ng tubig.

 Sa caption ay inilagay niyang “peace be with you” na tila sagot kay Claudine.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si Claudine last November 2020 dahil hindi umano tumutupad si Raymart sa napagkasunduan nilang sustento na ibibigay para sa kanilang mga anak.

Show comments