^

Pang Movies

Richard, gustong makatrabaho si Michael V.

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Richard, gustong makatrabaho si Michael V.
Richard

Nakailang TV guestings na rin ang new Kapuso actor na si Richard Yap na nagsimula, nang maimbita siyang mag-guest-judge sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga.  Nakagawa na rin siya ng movie with Ken Chan at Rita Daniela, directed by Louie Ignacio.  Kaya nga very comfortable na siya working sa GMA Network.

“May guest role ako sa first episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You: On My Way to You, as the father of Ruru Madrid,” kuwento ni Richard.  “Ako ang naging sandigan ng anak ko nang iwanan siya ng kanyang girlfriend sa oras ng kasal nila.  It’s about letting go and moving on, nang magkatagpo naman sila ni Shaira Diaz.  I enjoyed working with them, Arra San Agustin, Malou de Guzman sa lock-in taping namin, sa Laguna.”

Next project niya sa GMA ay ang I Left My Heart In Sorsogon with Heart Evangelista pero hindi pa siya sure kung matutuloy ang lock-in ­taping nila this April, dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases. 

May isang wish pala si Richard, ang makapag-guest sa Bubble Gang para magkaroon siya ng chance makatrabaho ang favorite comedian niyang si Michael V.

Pag-aaral ni Diether, naudlot

Maraming netizens ang nagulat nang malaman nilang balik-showbiz muli si Diether Ocampo.  Matagal din siyang nawala sa limelight, akala ng iba ayaw nang mag-artista ni Diether at namimili na raw siya ng role. Pero ngayon nga ay kasama siya sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba ng Dreamscape Entertainment.

Ayon kay Diether hindi siya namimili ng role kaya matagal siyang hindi tumanggap ng project. Hindi raw lamang talaga magtugma ang kanyang schedule noon at ayaw din naman niyang tanggapin kung hindi talaga bagay sa kanya ang role.  Isa pa, that time ay nag-aaral siya sa flying school, pero nahinto ito dahil sa pag-iral ng pandemic. Ngayong libre na siya, muli siyang tumanggap ng offer para muling mag-artista.

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with