Gabby, feeling lucky sa takbo ng career

Gabby at Sanya

Feeling lucky si Gabby Concepcion dahil siya na lang sa mga ka-batch niya sa showbiz ang aktibo pa at nananatiling leading man.

‘Yung ibang mga nakasabay niya ay kung hindi retired na sa showbiz ay abala na sa politics, business o kung nasa showbiz pa, kontrabida, tatay or lolo roles na ang ginagawa.

Si Gabby ay patuloy na pina-partner sa mga aktres na mas bata sa kanya tulad nina Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Sunshine Dizon, Ryza Cenon at ngayon ay si Sanya Lopez sa teleserye na First Yaya.

Kuwento ni Gabby na sobra siyang natuwa sa cast ng First Yaya dahil masayahin ang lahat sa set. Ilang buwan din kasing nag-stay si Gabby sa kanyang farm sa Batangas noong magkaroon ng lockdown. Na-miss daw niya ang nakasalamuha ang mga baguhang artista.

“First time ko makakasama ang lahat ng cast, kaya maganda itong First Yaya kasi maraming ‘firsts’ na nangyari dito. Akala ko mahihirapan ako makipag-usap sa mga tao, but it turns out na lahat nag-blend at nag-jive. Maganda ang chemistry namin,” sey ni Gabby na napilit daw ni Sanya na mag-TikTok.

Miss Eco International rep, nag-time out sa showbiz

Ready nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April.

Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant. “The outfits are to be finalized with the fittings and everything but other than that okay na. I have like a lot of suitcases that I can use kasi parang worry ko with the gowns and everything sometimes it’s hard to pack,” sey pa ni Kelley.

Sasailalim sa swab test ang beauty queen bago lumipad patungong Egypt at mauulit iyon paglapag nila roon.

“Then there will be a ­quarantine period until my results come out na negative ako. So, fingers crossed that I am gonna be negative para I can be a part of the pageant,” diin ni Kelley.

Siniguro raw ng pageant organizers na ang mga kandidata ng Miss Eco International ay magiging safe throughout the pageant.

Whatever happens daw, may babalikan na showbiz career si Kelley sa Pilipinas. “There are actually a lot of upcoming projects that I’m really excited about talaga. We were supposed to do one sana within the last couple of months but because of the pageant, we’ll hold it off na lang until I get back.”

The Talk host, iniimbestigahan sa racist remarks

Inaakusahan ang The Talk host na si Sharon Osbourne ng pagiging isang racist.

Ito ang naging issue ng naturang talk show na kasalukuyang in hiatus dahil inaalam pa kung ang kahihinatnan ng mga reklamo laban kay Osbourne.

Nagsimula ang lahat nang kampihan ni Osbourne si Piers Morgan na nagsabing nagsisinungaling si Meghan Markle sa interview nito with Oprah Winfrey.

Sinabihan ni Sheryl Underwood si Osbourne ng: “While you are standing by your friend, it appears that you are giving validation or safe haven to something that he has uttered that is racist.”

Nagsunud-sunod na ang mga naging reklamo kay Osbourne “for the used of offensive language, including racial epithets towards former co-host/exec producer Julie Chen as well as lesbian slurs when referring to former co-host/exec producer Sara Gilbert.”

Tinawag daw ni Osbourne ang former host na si Julie Chen, who is Chinese/American, as “wonton” and “slanty eyes.”

Ang former co-host and executive producer na si Sara Gilbert, who is a lesbian, ay tinawag ni Osbourne na “pussy licker” and “fish eater.”

Ang isa pang co-host na si Holly Robinson Peete ay tinawag daw ni Osbourne na “too ghetto” at pinatanggal niya ito sa show.

Naglabas ang CBS network ng official statement regarding the issue:

 Nag-tweet si Osbourne ng ­apology sa mga na-offend niya racially.

Hindi raw malayong matsugi sa show si Osbourne kapag napatunayan ang mga racist remark niya sa ginagawang imbestigasyon ng network.

Show comments