Sharon, hindi raw bagay sa revirginized

Marco at Sharon

Masaya ang fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil may movie siyang natapos gawin under Viva Films titled Revirginized kung saan nakasama niya pa si Rosanna Roces at leading man ang mas bata sa kanyang si Marco Gumabao.

Bongga rin ang naturang movie na may halong komedya. Ang problema lang ay may ilang nagtatanong kung bakit naman daw ganun ang title na parang hindi raw bagay sa isang aktres na nakilala sa drama na may sweet image pa naman. Hindi naman daw nag-bold si Shawie kaya’t hindi karapat-dapat sa status niya na animo’y pang starlet ang dating ng Revirginized.

Well, panoorin muna natin ang pelikula saka natin ito husgahan. Hindi naman siguro tatanggapin ni Mega ang proyekto lalo na’t comeback movie niya ito kung makakasira ito sa imahe niya.

Glenda, suwerte kahit pandemya

Isang malaking bangungot marahil para kay Glenda Garcia ang role na ginagampanan sa Magpakailanman. Imagine ikinadena pang karakter niya at itinali ng lasenggong asawa sa isang lumang push cart. Mangangalakal kasi ang trabaho nilang mag-asawa sa istorya at pinagselosan siya.

Magaling na artista si Glenda kaya’t wala itong reklamo sa bawat eksenang ipinapagawa sa kanya.

Suwerte naman si Glenda ngayon dahil kasama siya sa cast ng seryeng First Yaya starring Gabby Concepcion, Sanya Lopez at Pilar Pilapil. Pareho silang busy ng sister niyang si Melissa Mendez na may online business ngayong iba’t ibang putahe ng ulam.

Show comments