_pang-masa
^
Ruffa, ayaw maging stage mother
Ruffa

Ruffa, ayaw maging stage mother

YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 12, 2021 - 12:00am

Balik-private boxing training si Ruffa Gutierrez. Actually, madalas, sabay-sabay silang nagba-boxing training ng mga anak na sina Lorin at Venice sa kanilang bahay. Sabi ni Ruffa, mas maganda for them na pinupuntahan sila sa bahay ng boxing trainer nila (na siya ring trainer ko). Mas regular daw kasi nilang nagagawa ‘yon kesa kung pupunta pa raw kasi sila sa boxing gym.

Biniro ko nga si Ruffa sa “balik-alindog” program niya. Sabi ko, mukhang pinaghahandaan na niya ang pagiging stage mother dahil mag-aartista na nga ang panganay niya. “Hello! Ayokong maging stage mother like my Mom (Annabelle Rama). Hanggang sa pagiging supportive mom lang ako. I’m sure, si Mommy ang magpapaka-stage lola. Hahaha. Actually, marami talagang stage uncles and aunties kapag nag-artista na si Lorin. Hahaha. Pero I’m really thankful na may supportive family na talagang magga-guide kay Lorin kapag tuluyan na siyang nag-artista,” sey ni Ruffa.

Actually, kapag nakakasama ko sila sa Sunday family lunch nila sa White Plains house nila, kanya-kanyang payo na kay Lorin ang pamilya Gutierrez.

Si Raymond Gutierrez, maraming ideas for Lorin. Kahit si Sarah Lahbati, very supportive rin at kasama siya sa pag-iisip ng styling team ng panganay ni Ruffa, huh!

Si Lorin naman, very much appreciated ang mga payo sa kanya ng kanyang showbiz family at mukhang excited na rin siya sa pag-aartista, ‘noh?!

Alam mo, Ateng Salve, noon talaga, kapag sinasabi ni Tita Annabelle na mag-artista na si Lorin, parang ayaw pa ng teenager ni Ruffa, pero ngayon, game na game na siya, kaya so exciting talaga, huh!

Ang bongga!

Pelikula ni Coco, suportado ng Probinsyano ni Ronnie Ong!

Good friend ni Coco Martin si Representative Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Party-list, kaya naman suportado niya ang pelikula ng una, ang Love or Money.

Mamimigay ng 50 E-tickets si Rep. Ronnie bilang suporta na rin daw sa pelikulang Pilipino. Go lang kayo sa Facebook page na Rep. Ronnie Ong para sa mga detalye.

Ang suwerte rin ni Coco dahil may katulad ni Rep. Ronnie na sobrang supportive sa kanya, huh!

Nang makatsikahan ko kahapon si Rep. Ronnie, naikuwento niya na natuwa si Coco nang malaman nito na mamimigay siya ng E-tickets ng pelikula nito with Angelica Panganiban. “Yes, natuwa si Coco. Sabi ko nga sa kanya, baka hindi lang 50 E-tickets ang maipamigay namin. We’re thinking na dagdagan dahil maraming excited sa pa-contest namin. Saka gusto ko rin naman na makatulong sa pelikulang Pilipino,” pahayag ni Rep. Ronnie na napakaraming mga kaibigan sa showbiz.

Ang bongga! ‘Yun na!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with