^
Kris, sumagot sa isyung nakabuntis si Joshua
Kris at Joshua

Kris, sumagot sa isyung nakabuntis si Joshua

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

Nilinaw ni Kris Aquino na hindi raw apo ang birthday gift sa kanya ni Joshua. Ito kasi ang tsismis ngayon, na nakabuntis daw ang anak nila ni Phillip Salvador.

Sa kanyang recent post, ipinakita ni Kris ang larawan ng birthday gift ng bunso niyang anak na si Bimby na two pairs of bedroom slippers at ibinida rin niya ang bonggang regalo ni Josh. “Late arrival for my birthday- but i still LOVE them! the bedroom slippers (he said he ordered them from @shopee_ph BUT the reseller had imported them) are from my 6’1 bunso...

“Gift ni kuya josh? sorry hindi apo- he gave me cash in a lucky red envelope- an ANGPAO...” simula ng caption ni Kris.

Pagkatapos nito ay nagbigay siya ng reaksyon sa fake news na kumalat tungkol kay Joshua at nagpasalamat sa kumpare niyang si Ogie Diaz sa pagtatanggol sa kanya sa vlog nito.

“Like any parent, initially nung pinakita sa kin yung YT fake news about kuya, nagalit ako... then pinanuod ko ang kumpareng @ogie_diaz ko sa vlog nya, and may tumatak sa kin- Ogie said words to the effect na “hindi naman natin tinatanggal ang posibilidad na maging tatay ang panganay ni Kris” and dun ako nahimasmasan.

“Thank you pare, for all the years that kuya josh, because he is in the autism spectrum, was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics, you made me feel that you saw him as a human being with the same right to love and be loved like everyone else... many parents who raised or are raising children with special needs will identify with me... we know the challenges & we celebrate the victories. Kuya’s desire for independence now is a WIN!” saad ni Kris.

Aminado rin ang TV personality/social media­ influencer na mahirap daw na magkakaasawa’t magkaanak pa si Joshua. Hindi naman siguro kaila sa lahat na special child ang panganay niyang anak.

May paglilinaw din si Kris tungkol sa sarili niyang love life. Aniya ay hindi raw siya nagde-date ngayon at marahil, ang sinasagot niya ay ang napabalitang namataan siya in a dinner date with Batangas Vice Governor Mark Leviste.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with