^
Robin hinihintay mag-react...Kylie sinaktan daw ni Aljur!
Aljur at Robin

Robin hinihintay mag-react...Kylie sinaktan daw ni Aljur!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

Wow, Salve A., gusto naming malaman ang magiging reaction ni Robin Padilla sa well-publicized na bangayan ng kanyang anak na si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica.

Common knowledge kung gaano kamahal ni Robin ang mga anak niyang babae. Pangalawa si Kylie sa tatlong anak na babae ni Robin sa unang niyang asawang si Liezl Sicangco.

Bale ba, balitang sinasaktan ni Aljur si Kylie.

E, si Robin, bukambibig na ang babae ay minamahal dapat, hindi binibigyan ng problema, much less sinasaktan.

Derek, Ellen at Elias, happy fam na sa isang bahay?!

In fairness, close as can be na raw sina Derek Ramsay at ang two-year-old na anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Madalas nga raw na magkasama ang tatlo. Bulong-bulungan pa nga na they all live in one house na.

Which is not surprising, as neighbors sa isang exclusive at pang-mayamang subdivision sina Derek at Ellen.

  Neighbors din niya Derek, Ellen si Ruffa Gutierrez, since halos ayos na ang bagong bahay nina Ruffa and her two daughters, sina Lorin at Venice sa nasabing pang-mayamang lugar.

Eh ‘di ba sila nga ang magkakasama sa unang dinner kaya nagkaroon ng relasyon sina Derek at Ellen.

Direk Darryl, relate much sa Tililing

Ayon kay direk Darryl Yap, may experience siya dealing with a mental health patient, na siyang theme ng kanyang malapit nang ipalabas na pelikulang Tililing.

Tililing, of course, is used to describe patients o mga taong may sakit sa pag-iisip.

In any case, sa kanyang kaso raw, ayon kay direk Darryl, mismong isang tiyahin niya ang may tililing na kanyang nakaharap face to face, kumbaga.

At first, hindi raw niya alam kung paano niya tatratuhin ito.

In the end daw, awa coupled with understanding ang kanyang nararamdaman habang kinakausap at pinagmamasdan ito.

Yes, may pagkakataon daw na may same moment ang may tililing, which is what inspired him daw para sulatin ang kuwento ng Tililing. At salamat daw sa Viva Films at pumayag itong i-produce ang pelikula.

Magagaling ang artistang gumaganap ng important sa pelikula, such as Gina Pareño, Baron Geisler, Donnalyn Bartolome, Chad Kinis at Candy Pangi­linan.

Of Candy, hindi nito isinisikreto na mentally challenged ang kanyang nag-iisang anak na si Quentin.

Napapanood pa nga natin si Quentin sa isang endorsement nilang mag-ina. The boy is past his teens. And guess what? Nailuluto ni Quentin ang kanyang ina ng kanyang paboritong pagkain.

At heto pa, nakakatulong din niya si Quentin sa kanyang bag business na iba-iba ang design at made of raw materials such as abaca na ang material na gamit ay pawang available rito sa atin, o ‘yung gamit sa paggawa ng banig.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with