^

Pang Movies

Zoren, hinihigpitan sa lovelife ang anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Zoren, hinihigpitan sa lovelife ang anak
Zoren

Pagdating sa usapang lovelife, pinag-iingat nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang dalagang si Cassy Legaspi.

Nasa edad na si Cassy para tumanggap ng mga manliligaw, pero lagi raw iniisip nito ang advice ng kanyang parents na huwag magmadali pagdating sa love.

Payo raw ni Nanay Carmina ay huwag daw siyang agad ma-fall sa manliligaw niya. “’Yung number one, don’t rush into love kasi it will come. Love will come, just mag-relax-relax ka lang. And if you do fall in love, protect your heart,” sey ni Cassy.

Ang Tatay Zoren daw niya ang strict pagdating sa usapanng lovelife.

“‘Yung dad ko naman super strict naman siya sa love life ko. Hanggang ngayon siya naman, ‘take your time. Don’t rush, pero ngayon focus sa sarili mo lang. Love will come to you. If it’s meant to be, it’s meant to be’,” sey ni Cassy na lalabas sa kanyang unang teleserye na First Yaya sa GMA 7.

Serye nina Kelvin at Mikee, tuloy ang pamamayagpag

Hindi makapaniwala ang bida ng The Lost Recipe na si Kelvin Miranda dahil natupad ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng malaking billboard sa EDSA.

Si Kelvin ang latest endorser ng kilalang clothing at lifestyle brand na Bench.

Inamin ni Kelvin na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.“Iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard sa Bench.

“Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko,” sey ni Kelvin na masaya rin sa patuloy na pamamayagpag sa ratings at sa social media ng The Lost Recipe kung saan kasama niya si Mikee Quintos sa GTV.

Prince Harry, inaming naapektuhan ng royal duties ang mental health

Nagsalita na si Prince Harry sa one-on-one interview sa talkshow na The Late, Late Show with James Corden kung bakit tinalikuran nila ng misis niyang si Meghan Markle ang kanilang royal duties bilang members ng Royal Family. Ayon sa Duke of Sussex: “We all know what the British press can be like, and it was destroying my mental health. I was like, this is toxic. So I did what any husband and what any father would do.”

Nagdesisyon si Harry na lisanin nila ni Meghan ang United Kingdom at tumira sa Los Angeles, California kasama si Baby Archie. Ngayon ay buntis si Meghan sa second baby nila.

Simula raw noong lumipat sila sa LA, mas naging tahimik at nawala ang stress sa buhay nila. Happy raw ang royal couple kung nasaan sila ngayon. “We’re carving out new lives, increasing our public visibility and engagement with more sympathetic media figures. It’s slightly different version, but a continuation, of what we were doing back in the UK anyway. My life is always going to be about public service, and Meghan signed up to that, and the two of us enjoy doing that,” sey ni Harry.

May constant communication naman daw sila with the Queen and Prince Phillip. Ilang beses na raw silang nag-Zoom para makita ang apo sa tuhod na si Archie.

vuukle comment

ZOREN LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with