^

Assunta at Coleen, ‘di pinagdadamot ang anak

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 28, 2021 - 12:00am

Cute tignan iyon excitement ng mga new parent sa kanilang mga baby.

Ang ganda ng parang chronicle na posting ni Assunta de Rossi sa kanyang baby na talagang masusundan mo ang paglaki dahil naka-post sa IG account niya.

Cute naman iyon ipinapakita nina Billy Crawford at Coleen Garcia na pag-aalaga nila sa small baby nila. At iyong sumasayaw-sayaw si Billy para makatulog baby nila, at parang hands-on talaga si Coleen sa lahat ng needs ng kanilang first born.

Inspiring iyon makita mo how the celebrities care for their babies, parang ordinary people sila doing their duties as parents, kaya cute talaga.

At ang gaganda ng babies nila ha, parang mga doll kaya nga excited ka na makita everyday iyon mga new posting ng photos nila.

Babies are really miracles, imagine mo na sa loob ng katawan mo, meron isang sanggol na nabubuhay? At heto, unti-unting lumalaki. Nice of Assunta and Coleen sharing their babies with us.

Ibang Pinoy, choosy sa vaccine

Kung minsan talaga kaloka rin tayo sa mga desisyon natin. Nung wala pang vaccine para sa covid-19 talagang dasal natin magkaroon na, nang may bakuna na, heto na ang iba-ibang reaction, ayaw ng made in China, gusto pa galing sa USA o Europe.

Meron gustong magpa-vaccine, meron ayaw. Kaloka dahil buong mundo ang problema, pero iyon ibang kababayan natin gobyerno pa rin ang sinisisi. As if local ang problem, hindi worldwide.

Naku, pandemic na pero hindi pa rin maunawaan ng marami kung ano ang nangyayari. Bagsak na bagsak na ang ekonomiya sa buong mundo, pero mapag­hanap pa rin iyon iba.

Naku, kung anu-ano na nga nangyayari, dapat maayos na ang pagtanggap natin sa mga problema. Walang sisihan, turuan, reklamo. Dasal na sana maayos ang lahat, mawala na ang virus, makabangon na ang mundo lalo na ang Pinas.

ASSUNTA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with