^
Paubaya, gagawing pelikula nina Joshua at Julia!
Joshua at Julia

Paubaya, gagawing pelikula nina Joshua at Julia!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

Dahil sa laki ng tagumpay ng music video ni Moira dela Torre na Paubaya na umabot na ng mahigit 20-M views na kung saan tampok ang dating magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia, may posibilidad na gawing titulo at theme song ang Paubaya sa isang pelikula na tatampukan din mismo nina Julia at Joshua.

Si Julia ay nasa bakuran na ngayon ng Viva habang nasa Star Magic ng ABS-CBN pa rin si Joshua at si Moira ay nasa Star Music.

Para matuloy ang movie reunion ng dating magkasintahang Julia at Joshua ay kailangang magsosyo ng Viva at Star Cinema or kung hindi man ay ipagpapaalam ng Viva si Johua at ang titulo at theme song ng Paubaya sa ABS-CBN.

Sold si Boss Vic del Rosario sa idea at malamang na kumikilos na ito ngayon para maisakatuparan ang balik-tambalan ng dating mag-sweetheart na huling napanood sa horror movie na Block Z. 

Ang tatlo pang pelikula na kanilang pinagsamahan ay ang Love You to the Stars and Back, Vince and Kath and James, Unexpectedly Yours at ang I Love You, Hater.

Si Julia ay sinasabing girlfriend nga ni Gerald Anderson pero hindi pa umaamin ang dalawa sa publiko.

Lea at Aga, ‘di kumukupas ang pagkakaibigan

Sa kabila na hindi nauwi sa totoong relasyon noon sina Lea Salonga at Aga Muhlach, nanatili naman silang magkaibigan hanggang ngayon.

Ang OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad ang nagbigay ng break sa tambalang Lea at Aga sa hit movie na Bakit Labis Kitang Mahal hango sa hit song ng Boyfriends of the same title. Ang nasabing pelikula ay naging isa sa official entries sa 1992 Metro Manila Film Festival at ito ang pumangalawa among the top grossing films.

Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Joey Javier Reyes at siyang nakapagbigay kina Aga at Ariel Rivera ng kanilang unang Best Actor at Best Supporting Actor trophies respectively. Ito rin bale ang first movie ni Ariel na sikat na sikat noon dahil sa kanyang hit song na Sana Kahit Minsan habang si Lea naman ay hit din noon bilang Kim sa Miss Saigon sa West End at sa Broadway.

Sina Aga at Lea ay muling nagtambal sa 1995 movie na Sana Maulit Muli na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema.

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with