^

Mga biyahe papuntang probinsiya, mas pinabongga na

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

Naku, Salve, ha, dahil hindi tayo makabiyahe pati ang pagpunta sa Laguna na invitation ni Ronite @dpersonalshopperph, pinatulan natin. Meron siyang friend na may malaking farm sa Laguna, at promise ni Ronite na bibigyan tayo ng lahat ng klase ng gulay na nasa farm.

Isang lunch date na matagal na niyang pinag-i-invite para makilala natin ang mabait niyang friend na taga-Laguna. Sandali lang daw ang biyahe, kakain tayo ng lunch, tapos by late afternoon ay nasa QC na uli tayo. Kaloka si Ronite  dahil talagang pati sight seeing tours pinapasok na.

Ok, go tayo nina Lynette, Gorgy at Jerry, Salve, at ako sa provincial package tour ng Laguna, with bountiful harvest of vegetables and fruits, hah hah.

Kung hindi lang mabait si Ronite, talagang hindi niya ako mayayaya sa outside Metro noh, pero dahil maganda na ang highways at mga daan na ginawa ng DPWH ni Sec. Mark Villar, at ang Love the Philippines campaign ni Sec. Berna Romulo Puyat, naku, sleep na lang ako.

Collagen, swak sa active lifestyle

Talagang ginagamit nina Pauleen Luna at Gardo Versoza ang ivi Met. Nakita ko na iniinom ito ni Gardo bago mag-TikTok, si Pauleen naman, share pa sila ni Bossing Vic Sotto na talagang umiinom ng collagen for the bones.

Subukan mo talaga, Salve, ang regular drinking ng ivi Met dahil madalas kang mag-gym at bagay na bagay ito sa active lifestyle mo.

Energizer siya, bone vitamin at talagang maganda para sa skin ‘pag regular na ginagamit.

Give kita nito dahil need mo ito lalo na pag nasa 40s ka na, kung kelan medyo humihina na ang bones natin. Saka masarap siya at maraming flavors.

BERNA ROMULO PUYAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with