Baby bago kasal...

Sinasabi ni Julia Barretto na ang kulang na lang daw sa kanyang buhay ay isang anak, at sinasabi niyang seryoso siya na gusto na niyang magkaanak. Hindi niya sinasabing mag-aampon siya kagaya ng ginawa ng ibang mga artista noon. Gusto niyang magkaroon ng sarili niyang anak.

Ang ermat niyang si Marjorie, ganoon din eh. Gusto na niyang magkaanak, eh ‘di nagpabuntis siya kahit na hindi pa siya handang mag-asawa. At saka na lang siya nag-asawa later on.

Sino ba ang pipigil sa kanya kung gusto man niyang magbuntis sa ngayon. Ang dapat lang ay mapili niya kung sino ang makakabuntis sa kanya.

Iyon bang makakabuntis sa kanya ay seseryosohin din siya at nakahandang panagutan siya hindi man ngayon ay sa hinaharap. Kung hindi, baka may anak nga siya pero lumabas na talo pa rin siya, dahil matapos siyang anakan ay tapos na.

Kung ganoon ang mangyayari, lalabas naman siyang parang “baby factory” na lang.

Dalawang host na nagbabangayan, mas napag-usapan kesa sa kanilang show

Nagkaroon na pala ng controversy, nag-away ang dalawang host ng isang noontime show. Ang nakakatawa, mas napag-usapan pa ang away nila dahil lumabas iyon sa social media, samantalang iyong show nila mismo ay ni hindi napag-uusapan. Ni hindi yata napapanood.

Nasa isang UHF channel iyon na sa mga lumang TV wala noon. Sa cable mayroon naman pero hindi mo alam kung anong channel sa cable. Palabas din daw sila sa internet, pero bakit ka magtitiyaga sa internet kung mapapanood ka naman nang mas maayos sa TV mismo.

Iyong iba naman kasi ngayon, ang totoo ay internet shows lamang at hindi mo nga matatawag na TV show dahil hindi mo naman mapanood sa TV.

Pero nakakatawa talaga dahil mas napag-usapan pa ang kanilang away kaysa sa content ng kanilang show na mukhang wala naman halos nakakapanood.

Show comments