^

Pang Movies

Heart, umaming naubusan ng pera!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart, umaming naubusan ng pera!
Heart

Marami ang hindi nakakaalam na dumaan din pala si Heart Evangelista sa kahirapan. Ini-reveal niya ito sa vlog ni Dra. Aivee Teo na talaga namang nakaka-shock dahil alam naman ng lahat na ipinanganak na mayaman ang aktres at kahit nga hindi magtrabaho ay mabubuhay siya.

Ito raw ‘yung panahong ginawa niya ang teleseryeng Hiram na Mukha sa ABS-CBN in 2007. Aniya, ito raw ang pinakamahirap na proyektong ginawa dahil dusa nga naman sa prosthetics. “Hirap talaga kumita ng pera,” sambit niya.

Ito raw ‘yung panahong umalis siya sa poder ng parents niya at nagsimula siya from scratch. Nag-iba raw talaga ang lifestyle niya at natutong mamuhay nang simple lang. “And I had to do this (Hiram na Mukha) because I had no money at that time,” she said.

Sobrang hirap daw talaga dahil naka-prosthetics siya hanggang 3 a.m. the next day at talagang tinatawagan daw niya lagi ang manager to say na hindi na niya kaya.

Wala raw siyang pera that time dahil gusto raw talaga ng mommy niya na mag-suffer siya para bumalik siya sa kanila. Dumating daw siya sa point na wala siyang pang-dinner at nilibre lang daw siya ng assistant niyang si Resty. “Ate Resty, naglibre sa akin sa restaurant. Wala akong pera, 30 pesos lang ang laman ng ATM ko, so wala akong pang-dinner,” kuwento ni Heart

Well, noon pa ay alam naman ng lahat na may love-hate relationship din si Heart sa mommy niya at inamin din naman ng aktres na nagrebelde rin siya during her younger years.

PD, huling linggo na

Sa huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, muling binalikan ng cast na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Elijah Alejo ang ilan sa hindi nila malilimutang karanasan habang ginagawa ang serye.

Sa kanilang virtual grand finale reunion noong Biyernes, taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng Prima Donnas stars sa kanilang supporters at avid viewers na talaga namang sinubaybayan ang serye mula umpisa hanggang sa huli.

Sinariwa naman ng teen stars na sina Jillian, Elijah at Althea ang ilan sa memorable experiences nila sa Prima Donnas.

Ayon kay Elijah, “For me, lahat naman po ng experience ko with Prima Donnas is memorable. Lahat po ng kuwentuhan, asaran, lessons, testimonies, hinding-hindi ko po makakalimutan lahat.”

Hindi naman makakalimutan ni Jillian ang mga unang araw niya ng taping, “Lahat po! Pero hindi ko makakalimutan ‘yung first taping days ko po, katulad nung nilock po si Mayi sa kulungan ng baboy or ‘yung fruit salad fight namin ni Brianna.”

Ang pagdiriwang naman ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang Prima Donnas co-stars ang isa sa memorable experiences ni Althea.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with