Sarah at Matteo isang taon nang kasal, ‘pagwawala’ ni Mommy Divine naalala!

Sa darating na Sabado, February 20, ay ise-celebrate ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang first wedding anniversary.

It was on February 20, 2020 nang sikretong magpakasal sina Sarah at Matteo na naging sanhi ng `pagwawala’ ng ina ng pop superstar na si Divine Geronimo sa intimate wedding reception sa isang five-star hotel in Bonifacio Global City sa Taguig City. Up to this day ay hindi pa rin okay si Sarah and her husband na si Matteo sa parents ng Popstar Royalty.

Gayunpaman, patuloy na umaasa ang mag-asawang Sarah at Matteo na maaayos din ang lahat balang araw.

Plano pa rin ng celebrity couple na magdaos ng isang malaking wedding in the presence of their respective families at malalapit na kaibigan pero ito’y naudlot dahil sa pandemya.

Arci, mabilis nakalimutan ang ex dahil sa BTS

Parami nang parami among Filipino celebrities ang big fans ng South Korean actors and K-Pop personalities at hindi naiiba sa kanila ang singer-actress at Philippine Air Force reservist na si Arci Muñoz na sobrang big follower ng BTS boy band group na sikat na sikat hindi lamang sa South Korea at ibang Asian Countries kundi maging sa Amerika at iba pang bansa.

Hindi ikinakaila ni Arci na nakatulong sa kanya ang BTS para maka-get over sa breakup sa kanyang huling boyfriend, ang Chinese businessman na si Anthony Ng (na ex-boyfriend din ng kapwa niya Kapamilya actress na si Erich Gonzales).

Dahil umano sa sobrang saya na dulot ng BTS sa kanyang buhay, madali  siyang nakapag-move on sa kanyang heartbreak.

Dahil sa BTS ay nakarating ng South Korea si Arci para lamang panoorin ang kanilang concert pati sa iba pang apat na bansa including Japan kung saan niya kasama ang kanyang ina na BTS fan na rin. Kumpleto rin si Arci ng mga souvenir items ng grupo na kanyang binili sa pop-up store in South Korea at maging sa mga lugar na pinagtanghalan ng sikat na boy band. As if these are not enough, nagpa-tattoo pa ang singer-actress sa kanyang braso sa South Korea ng isa sa mga hit songs ng BTS, ang Love Yourself.

It was in August 2019 nang mapanood ni Arci ang Love Yourself music video ng BTS at magmula noon ay naging instant big fan na siya ng grupo lalung-lalo na si Jimin, isa sa pitong miyembro ng boy band na binubuo nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jungkook at Kim Taeh-yung.

Bukod sa kanyang pagiging singer-actress at pagiging fanatic ng BTS, si Arci ay nag-aaral ngayon maging isang piloto sa PAF kung saan siya nagtapos ng six-month training bilang isang air force reservist.  Tumutulong din ang aktres  sa PAF sa pamamahagi ng relief goods kapag may kalamidad.

Si Arci ay kasalukuyang napapanood sa primetime TV series na Walang Hanggang Paalam kung saan din tampok na mga bituin sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at JC Santos.

Show comments